Kathryn Bernardo, sobrang espesyal ang naging pagsalubong ng bagong taon sa Palawan kasama ang pamilya at mismong si Daniel Padilla

Sa isang relasyon ay mahalaga talaga ang pagbibigay ng oras sa isa’t isa. Lalo na sa mga mahahalagang okasyon gaya ng kaarawan, anibersaryo, mga araw na may tatanggaping parangal o pagkilala, pasko at bagong taon.



Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa dahil kahit na sa mga oras na maraming tayong ginagawa ay naisasantabi natin ito para ibuhos ang ating oras, panahon at atensyon para sa ating mga minamahal. Maging kasintahan man, kapamilya o kaibigan.

Credit: Min Bernardo Instagram

Gaya na lamang ng Kapamilya stars at real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kitang magkasama na nagdiwang ng bagong taon kasama ang pamilya ni Kathryn na ginanap sa isang napakagandang resort sa Palawan.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Sa isang instagram post ni Min, ang nanay ni Kathryn ay ito ang kanyang naging caption, “God thank you for everything, though our family is not complete this time, we are very much blessed even we are thousand miles away with each other?.




Thank you so much, 2019! It has been an overwhelming year! Celebrating the last day of 2019 in Rumba Cabana New Year’s Eve Party at Club Paradise Palawan!”

Dito makikita kung gaano na naging malalim ang relasyon nila Kathryn at Daniel dahil naging close na din sila sa kani-kanilang mga pamilya.

Credit: Karla Estrada Instagram

Bamagan ay di sila sabay nagdiwang ng kapaskuhan ay sinigurado naman nila na sasalubungin nila ang bagong taon na magkasama.



Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Kaya naman maraming mga netizens at kanilang mga tagahanga ang nagbuhos ng pagbati at nagbigay ng new year wishes para sa kanilang dalawa.