Judy Ann Santos, inamin na muntik na sila maghiwalay noon ni Ryan Agoncillo ngunit mas nangibabaw pa rin ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa

Sa buhay mag-asawa, hindi nga naman puro saya ang lahat. Dumadaan din sa iba’t ibang pagsubok ang mga mag-asawa. Kaya naman, kailangan ng malalik na pundasyon ng pagmamahalan at pagtitiwala para malagpasan ang bawat pagsubok na ito.

Isa nga naman sa mga sikat na celebrity couple na husband and wife ay ang actress na si Judy Ann Santos at TV host na si Ryan Agoncillo.



Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Kamakailan lang ay nakatanggap ng Best Actress award si Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival entry na “Mindanao”.

At sa isang interview ni Judy Ann sa Tonight With Boy Abunda, ay nabanggit ni Juday na sa kabila ng saya at tatag ng pagsasamahan nila ni Ryan ay di rin maiwasan na muntikan na rin silang maghiwalay dahil sa problema at di pagkakaunawaan.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“May matindi din naman kaming pinagdaanan before we realized na we have to listen to each other… Tine-test ni Lord kung gaano yung faith… Yung ‘Kaya ko ba talaga?’ Because it’s always easy to say eh,” kwento ni Juday.

Dagdag pa ni Judy Ann, ang kanilang mga anak ang kinapitan nila at kailangan lang naman nila ng space sa mga oras na iyon.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Sa mga anak ko (ako kumapit)… At the end of the day, hindi ko kaya… You hate each other sa moment na yun, but it doesn’t mean you don’t love each other…” dagdag pa niya.



Maging mga netizens ay naka relate sa pinagdaanan nilang dalawa. Narito ang kanilang mga komento:

“Pinagdaanan ko rin iyan muntik narin kming maghiwalay asawa ko pinag pray ko lng??ngayon ok na kmi nag uusap na kmi pag galit ako sinasabi ko sa kanya more communication kmi”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Every relationship naman po ay walang perpekto maging artista ka man o maging simpleng tao man, it’s God’s will kung paano nya ireremind sa isip nyo ang kahalagahan ng buo ang pamilya para sa ikakasiya ng mga anak.”

“Great words idol Yes! Indeed. You got it right, dear. Silence is beautiful. We all need space and quiet time. ?

“Even in real life she ‘s brave in keeping a marriage in balance. Judy Ann we always adore you.”



Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Yes ako din idol ko rin yan siya ,patuloy mo lang ang kabaitan mo miss juday walang dapat magbago sa ugali god bless you more”