Nico Bolzico, ipinahayag ang sobrang kasiyahan nila ni Solenn sa pagsilang ng kanilang anak na si baby Thylane Katana

Isa nga talaga sa mga inaabangan ng buong pamilya ang pagsilang ng isang sanggol. Ito kasi ang makakapagbigay at makakadagdag ng kasiyahan sa kanila. Kaya naman sa oras na manganganak na ang nanay ay talagang nananabik na ang lahat na makita at masilayan ang kanilang magiging supling.



Credit: Solenn Heussaff Instagram

Gaya lamang ng mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na tuwang tuwa dahil ang kanilang pinaka hinihintay na sandali ay dumating na.

Credit: Solenn Heussaff Instagram

Sa social media account ni Solenn ay pinahayag nya ang kanilang galak nang maipanganak nya ang kanilang panganay na anak na si Thylane Katana.

Credit: Solenn Heussaff Instagram

“01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana.” Ayon sa post ni Solenn.



 

View this post on Instagram

 

01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana.

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on


Di pa man nila pinapakita ang mismong mukha ni baby ay talagang bumuhos na agad ang pagbati sa kanila.

Sa post naman ni Nico ay sinabi nyang sana ito ay di na isang prank dahil sobra na ito pag nagkataon. Matatandaan nung nakaraang mga araw ay sinubukan biruin ni Solenn si Nico na sya ay manganganak na ngunit ito pala ay isang prank lang.

Credit: Nico Bolzico Instagram

“Advance Happy New Year! Looks like we are spending it in an unexpected place this time! Waiting for #BabyBolz! Disclaimer: hopefully this is not #Wifezilla pranking me and going too far!” Ayon naman sa post ni Nico.





Napakaganda nga naman talaga ang pasok ng bagong taon para sa kanila dahil ang kanilang anghel ang bumungad agad sa kanila.