Ryza Cenon, ipinasilip ang dami ng kanyang naipon sa kanyang malaking garapon sa loob lamang ng 10 buwan

Sa panahon ngayon, mahalaga na talaga sa bawat indibidwal ang mayroong ipon. Maaari itong magawa sa pagtatabi ng mga barya, sukli o di naman kaya ay kusang pagtatabi ng halaga o porsyento sa nakukuhang sahod o sweldo kada buwan.



Credit: Ryza Cenon Instagram

Ito ay nagiging kagamit-gamit sa panahon na gusto mong bumili ng nais mong regalo para sa iyo o di naman kaya para sa pamilya o mga kaibigan. Nagagamit din itong pambayad sa mga biglaang gastos tulad ng bayad sa ospital, matrikula o di naman kaya sa mga bakasyon at sa iba pang bagay.

Masaya nga naman talaga ang makita mo na ang iyong pinaglalagyan ng ipon ay napupuno at maraming laman.

Credit: Ryza Cenon Instagram

Gaya na lamang ng Kapamilya Star na si Ryza Cenon na ipinasilip ang kanyang naipong pera sa loob lamang ng 10 buwan. Sa kanyang social media post ay mapapanuod na unti unti nyang binibilang ang mga naipong perang papel at mga barya na sya namang naging inspirasyon sa ibang netizens para mag-umpisa ring mag-ipon gaya ng ginawa ni Ryza.

Credit: Ryza Cenon Instagram

Sa kanyang social media post ay ito ang kanyang sinabi, “Naka 40K ako!!?? Next year ulit! Game kayo?? sarap ng feeling na may ipon bago matapos ang taon!? Merry Christmas & Happy New Year sa inyong lahat!♥️”




Nung nakaraang taon din ay mayroon din syang mga naipon gaya nito at ito ay pinagpatuloy nya ngayong taon at maganda rin ang naging resulta. Marami nga naman talaga ang pera na kanyang naipon para mas ganahan muling mag-umpisa sa susunod na taon.

Credit: Ryza Cenon Instagram

Iba nga talaga ang kanyang naging saya nang mabilang na ang lahat ng kanyang naipon. At gaya nya ay maraming netizens din ang natuwa at nagbigay ng kanilang mga komento at opinyon:

Credit: Ryza Cenon Instagram

“Wow! ? Gayahin ko din to. Nakaka inspire. Hehe”

“Wow gawin kona this 2020❤️?”



Credit: Ryza Cenon Instagram

“Nakakainpsire to save for the futureeee ???”