Tony Labrusca, inamin ang totoong estado ng pagkakaibigan nila ngayon ni Ria na syang nakapili sa kanya sa Kaparewho segment ng Its Showtime

Kung ang kakisigan at kagwapuhan ang usapan, hindi nga naman magpapahuli ang mga Pinoy actors na talagang napakagaling sa larangan ng showbiz.

Isa sa mga hinahangaan at tinitilian ngayon ay ang aktor at singer mula sa talent competition ng ABS CBN na Pinoy Boy Band Superstar na si Tony Labrusca. Lahat nga naman ng kababaihan ay tumitilili kapag si Tony Labrusca na ang nakikita.



Credit: Tony Labrusca Instagram

Sikat na sikat na nga naman si Tony. Mula sa kanyang napakagandang boses, malakas na dating at acting skills ay talagang pinag uusapan siya. Isa din sa nagpasikat sa kanya ay ang pelikula nila ni Angel Aquino na Glorious.

Sa isang segment ng It’s Showtime na KapareWho ay naging guest si Tony Labrusca. Isa siya sa mga pinagpipilian ng mga dilag sa nasabing game show.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Nabigla nga naman ang lahat ng tanggalin ang maskara at malaman na si Tony Labrusca ang lalaking nasa likod ng maskarang ito.

Matapos ang laro, pinili ng radio DJ na si Ria Ramirez si Tony Labrusca at nagkaroon sila ng libreng treat at date na sagot ng It’s Showtime.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Dito ay mas nagkakilala sila at mas naging magkaibigan. Sa mga ganitong paraan ay nalalaman at nakikilala ng dalawang tao ang isa’t isa.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Naikwento din ni Tony na gumawa na pala siya ng isang video greeting para kay Ria bago pa sila magkita sa KapareWho.

Parang nakatadhana ang dalawang ito para sa isa’t isa. Sa interview ni Tony sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Tony kay Tito Boy na “good friends” silang dalawa ni DJ Ria.

Marami naman ang kilig na kilig sa kanilang. dalawa. Narito naman ang mga komento ng mga netizens:

“Wow gwapo nka wla ng strees s Idol Tony Labrusca!”

Credit: Tony Labrusca Instagram

“Wow congrats tony.. Bagay kayo, ???

“Hayst! The man of mY dreams ?❤️

“No they’re not dating, only hanging out as friends?



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“WOWW NG DAHIL DYAN SISIKAT KA …”