Barbie Imperial, mas naging masaya ang pasko at bagong taon dahil sa kanyang bagong bahay

Isang achievement na maituturing ang makapagpundar ng sariling bahay at lupa. Lalo na sa mga nagsisimula sa kanilang karerang tinatahak. Talaga nga namang nakakataba ng puso na makita ang pinagpaguran mo sa mga naipupundar mo na bunga ng sipag at tiyaga.



Credit: Barbie Imperial Instagram

Pagsusumikap ang puhunan upang magtagumpay. Sa industriya ngayon sa anumang sektor, pribado man o hindi ay talagang kailangang kumayod para magtagumpay.

Maging sa showbiz industry ay talagang todo kayod ang mga artista para maaabot ang kanilang mga goals sa buhay.

Credit: thessgubi Instagram

Gaya ni Barbie Imperial, naging matunog ang kanyang mga pangalan matapos ang
mga sunod sunod na proyekto na teleserye, at pelikula.

Dahil dito, nagbunga din ang lahat ng pinaghihirapan ni Barbie at ngayon ay nakabili na siya ng sariling lupa at naipatayo na ang kanilang sariling bahay.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Hindi nga naman talaga makapaniwala si Barbie na natupad na ito. Napakaganda at napakalaki ng bahay na naipundar ni Barbie.




“Dream come true! And I still can’t believe it. Bago matapos ang 2019.. I finally have my own house!” sambit ni Barbie sa kanyang IG caption.

“Ang tagal ko pinaghirapan at pinag ipunan ko to, thank you Lord!,” dagdag pa niya.

Credit: thessgubi Instagram

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga proyekto, programa na nagtiwala sa kanyang kakayahan.

“Thank you to everyone na nag tiwala sakin from PBB, Showtime, RSB shows, MMK, iWant, movies, mallshows, endorsements at syempre sa mga supporters ko. Thank you dahil sainyo napasaya ko ang family ko. Merry Christmas indeed!” saad ni Barbie.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Maging si Thess Gubi, ang PR head ng talent agency ni Barbie na Star Magic, also ay nag share din ng pasilip ng bahay ni Barbie sa IG.

“Indeed a happy Christmas for [Barbie] and her family!” saad ng kanyang caption.



 

View this post on Instagram

 

Indeed a happy Christmas for @msbarbieimperial and her family! ❤️#newhome #newblessing #houseblessing

A post shared by thessgubi (@thessgubi) on


Siyempre, masayang masaya nga naman ang Pasko nila at tinuldukan ni Barbie ang kayang kwento ng 2019 ng may house and lot..