Robin Padilla, halos walang mapaglagyan ng tuwa nang makita ang kanyang buong pamilya at kasama na rin ang bagong silang nilang anak na si Maria Gabriela upang magdiwang ng Pasko

Kasiyahan nga naman ng isang ama na maging kumpleto ang kanyang pamilya sa mga importanteng okasyon gaya na lamang ng kapaskuhan. Kahit na gaano man kapagod sa trabaho ay sobrang nakakagaan ng pakiramdam kapag kapiling na ang mga anak pati na rin ang asawa.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Gaya na lamang ni Robin Padilla, na kitang kita ang kanyang pananabik na makitang muli ang kanyang mag-iina na sina Mariel, Maria Isabella at kanilang bagong silang na anak na si Maria Gabriela.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Sa pagsundo pa lamang sa airport dito sa Pilipinas ay talagang nakahanda na ang lahat upang sa kanyang pagsalubong sa kanyang mga mag-iina. At di rin nagtagal at lumapag na rin ang eroplanong sinasakyan nina Mariel habang si Robin naman ay papunta na rin sa Arrival Area ng Airport upang makita sila.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Naging espesyal ang pagkakataong ito para sa kanilang pamilya dahil unang beses pa lamang nakarga ni Robin ang kanilang bunsong anak na si Maria Gabriela at pati pagpalit ng diaper ay nagawa na nya rin bago pa sila umalis ng airport.



Pagdating naman nila sa kanilang bahay ay naghanda si Robin ng isang surpresa na makikita agad sa nakasabit na banner sa labas ng kanilang bahay na may sulat na “Welcome Tres Marias”.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Di rin makitaan ng pagod sa byahe ang anak nilang si Isabella dahil todo ang lakas pa rin nito habang nakikipaglaro sa tatay nyang si Robin.

Matapos nito ay makikita naman sa mga social media posts ni Mariel ang mga larawan nilang pamilya na kumpleto sa pagdiriwang ng pasko.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Umani naman ito ng pagbati at iba’t ibang komento mula sa mga netizens:

“Please po mr robin padilla, cherish, protect and love ms mariel. Her actions shows how much she love robin, i got teary eyed when you two hugged. God bless your family. Merry christmas”

Credit: Mariel Padilla Youtube

“We all know the robin padilla is astig, manly. But he’s a Good father to his children, hands-on and sweet lalo na ngayon na may little girls sya ❤️”



Credit: Mariel Padilla Instagram

“Can I just say natuwa ako how Mariel is being a hands on mom, as in the whole time di man nag rely sa yaya. And did you see Robin how he cares for his wife and daughters? And to mention super behave si Isabela during the long hours of flight, no tantrums or anything at hindi ko nakita pinag tablet, nag cocoloring lang sya the entire time. Good job, Mariel! ? Such a beautiful family!”