Claudine Barretto, isiniwalat na ang gamit na kumot ni Rico Yan noon sa litrato ay syang gamit din mismo ng kanyang anak na si Noah ngayon

Isa nga naman talaga sa mga tumatak na love team noon ang tambalan nina Claudine Barretto at Rico Yan kaya naman marami ang nalungkot nung hindi na ito nagpatuloy dahil sa pagkawala ng aktor.



Credit: Claudine Barretto Instagram

Naging ganun man ang nangyari ay marami pa rin talagang magagandang ala-ala ang hindi na mabubura sa isipan ng mga tao at kanilang mga masugid na mga fans. Kaya kahit matagal na panahon na ang nakalipas, ay marami pa rin ang kinikilig sa tuwing maaalala ang kanilang naging tambalan.

Credit: Claudine Barretto Instagram

At sa isang pagkakaktaon, ay may isang post si Claudine Barretto sa kanyang social media account at kanyang sinabi dito na, “This is how we roll.”

 

View this post on Instagram

 

This is how we roll

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Pagkatapos nito ay dinugtungan pa nya na “YES PO.its RY’s Yellow Blanket.i first bought that in Gift gate when i was 15 years old.Sabina’s Age.Ry brings it anywhere or Any country he goes to. Thank you ?.”



Credit: coricsdine instagram

Dito pa lang ay nakumpirma na ng lahat na ang gamit na kumot noon pa ni Rico Yan ay naitago ni Claudine at ngayon ay naipamana pa nya sa kanyang mga anak. Ganito naging mahalaga pala kay Claudine ang kumot na ito dahil kahit lumipas na ang sobrang tagal na panahon ay nanatili pa rin itong parang bago ngunit puno na ng magagandang ala-ala.

Credit: coricsdine instagram

May isang post din na lumabas mula sa isang netizen na nagtatanong kung ito nga ba ay totoo at ito ang kanyang sinabi, “Correct me if I’m wrong but i think it’s the same blanket! Kayo, ano sa tingin ninyo? ?? Kilig.”

Sinagot naman ito ni Claudine, “Yes yes my dear ?❤️”

Kaya naman bumuhos din agad ang komento mula sa mga netizens:

@claubarretto i love you ate clau. Salamat dahil sayo at sa pagmamahal mo kay kuya rico hindi na wawala ang paghanga q sa inyong dalawa . Kahit na wala na siya kahit ilang taon na. Piro nanatili parin ang pagmamahal mo sa kanya.. ??? sana nga po hindi kana mag asawa eh? i love you po ulit. GODBLESS AND TAKE CARE ALWAYS”

Credit: Claudine Barretto Instagram

“Nakakakilabot ung comforter ni Ry omg hanggang ngayon @claubarretto naitago mo ng maayos lht ng gamit ni mr dimple ❤️❤️❤️”



Credit: coricsdine instagram

“Grabe ang galing niya mag tago ng bgay oh prang bago pa din ?”