Cristine Reyes, bongga ang bakasyon sa Europe kasama ang kanyang napakagandang anak na si Amarah

Bilang isang magulang, ang oras ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat ibigay sa anak. Lalo na sa murang edad ng mga bata, ang oras na kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang ay malaking bagay sa kanilang paglaki.



Credit: Cristine Reyes Instagram

Dito nga naman nila natutunan ang iba’t ibang mga aral sa buhay. Habang lumalaki, mas nabibigyan nga naman ng atensyon ang mga bata sa pamamagitan ng mga oras na inilalaan ng mga magulang.

Sa kabila ng kabusyhan sa trabaho o pagaasikaso sa bahay at pamilya, nararapat lang na bigyang atensyon ang pagtuturo, pag eenjoy at quality time kasama ng ating mga anak.

Credit: Cristine Reyes Instagram

Kaya naman, enjoy na enjoy ang mag-inang si Cristine Reyes at ang kanyang cute na cute na baby na si Amarah. Quality time talaga ang kanilang bonding dahil nakapag travel sila ng magkasama sa iba’t ibang bansa.

Sa ngayon ay nasa Finland sila, pero mas marami nga namang mga bansa ang binagtas nila ngayon na milya milya ang layo sa Pinas. Ngayon, ang kanilang destinasyon ay mga European countries gaya ng France, Finland at United Kingdom.



Credit: Cristine Reyes Instagram

Napakapalad nga naman ni Amarah dahil sa kanyang murang edad ay nakapagikot na siya sa iba’t ibang mga bansa. Hindi ba’t enjoy na enjoy talaga ni Amarah ang kanyang childhood sa mga memories na ito.


“Touch of love and a happy tummy ❤️ ••• . Crispy Tofu, salad greens and honey chili 🌶 • Fragrant chicken and coconut 🥥 • Thinly sliced sea bass, black olive and yuzu • Salted caramel and chocolate 🍫 ••• #sexyfish #sexyfishrestaurant#sexyfishlondon #berkeleysquare,” ayon sa IG caption ni Cristine.

Credit: Cristine Reyes Instagram

Nakakabilib din nga naman ang pagiging ina ni Cristine. Gagawin nga naman talaga lahat ni Cristine para mapasaya ang kanyang anak.



Credit: Cristine Reyes Instagram

Hindi na nakapagtataka kung makikita natin ang sobra sobrang closeness ni Cristine at Amarah hanggang sa kanyang paglaki. Iyan nga naman ang kanilang Mother and daughter bonding.