Daniel Padilla, inaming napag-uusapan na nila ni Kathryn Bernardo ang pagpapakasal at kung ilan ang gusto nyang maging anak

Habang nasa estado ng pagiging mag nobyo at mag nobya, hindi na nga naman maiaalis na maisip ng dalawang magkasintahan ang kanilang future lalo na ang magpakasal at makabuo ng sariling pamilya.

Gaya na lamang ng showbiz couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Noong Agosto 2018, ay opisyal na nilang inanusyo ang kanilang pag-iibigan at ang relasyon.



Credit: @supremo_dp instagram

At sa huling panayam ni Boy Abunda kay Daniel, ay isa sa mga sinabi nya na pinaghahandaan at pinagtatrabahuhan na nila ang kanilang future.

“‘Yun ang pinaghahandaan na namin ngayon, pinagta-trabahuhan namin. Kasi siyempre ‘pag dumating ang panahon na ‘yun ayoko ng pukpukan pa rin (sa trabaho). Siyempre after marriage, you have to have a family,” sambit ni Daniel.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ayon kay Daniel, ayaw niyang maging late pagdating sa family at ayaw niya din maging matanda tapos magkaka-anak.

Dagat naman ang ideal place nila para sa wedding bilang celebration of love and friendship daw ang kanilang kasal.

“Pinag-uusapan na namin ‘yun, you have to save up. Oo ngayon may bahay tayo pero darating kasi ‘yung punto na gusto ko nang mag-asawa, bumukod, ibang usapan na naman ‘yun. So you have to save now, kasi once na dumating na ‘yung time na ‘okay, ready na ako, ready na ‘yung partner ko,’ at least mayroon kang mailalabas na,” saad ni Daniel

Credit: @supremo_dp instagram

Binanggit din ni Daniel na sisiguraduhin niya na maayos ang kalagayan ng kanyang ina at kapatid bago lumagay sa tahimik.

“Once na bumukod ka, gusto mo steady rin sila. Hindi naman pwede na si Mama, I mean nagta-trabaho siya ngayon, pero hindi ko naman gusto… Gusto ko rin na i-provide na sa kanila ‘yun, provide provide pero siyempre mayroong manipis na kailangan rin nila matuto,” sambit pa niya.



Narito naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

“I love this couple so much. 😍😍😍😍❤❤#KATHNIELforever

“Relationship goals talaga ang Kathniel.Magkasosyo sa negosyo para sa future at iniisip na nila ang pagbuo ng family.💙💙

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“Enjoy life as bf gf get to know more and embrace each others flaws.”

“Hwag mo nang pakawalan si kathryn.Ang pagiging simple at maganda nya ay kaakit akit pagmasdan palagi..”

“Si Ella NGA kinasal na…magpakasal na KAYO kasi bawat isa sa inyo may business NA…ok nayan para mag bangon ng buhay!kysa naman sa ibang kabataan na walang business pero isang katutak ang anak!walang masama sa maraming pamilya!!”



Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“pwd nman cla ikasal bago mg30 pero sana matured enough na cla pareho dhl bka matulad lng dn cla sa maraming showbiz couple na nghiwalay lng dn sa huli.”