Gretchen Ho at Mayor Vico Sotto, nagpakilig sa mga netizens dahil sa mga litrato nila habang magkasamang nanood ng laro sa SEA Games

Talaga nga namang masasabing matagumpay ang hosting ng ating bansa sa SEA Games. Kaya naman, marami ang bumisita at nagpunta sa iba’t ibang mga laro at venues ng SEA Games.

Isa sa mga napansin na nanood ng SEA Games ay si Gretchen Ho at ang Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Sumakto pa na magkatabi si Vico at Gretchen sa pwesto sa panonood.



Credit: UAAP_NCAA_Memes instagram

Marami tuloy na netizens ang nakapansin at tila pinapareha na ngayon ang dalawa. Matatandaang may mga sinabi si Vico na tipo niya sa babae.

“Gusto ko sana ‘yung matalino, may itsura naman, wala namang special talaga. More than matalino, gusto ka sana same wavelength kami lalo na sa topic ng governance,” sambit ni Vico.

Credit: UAAP_NCAA_Memes instagram




Kung titignan, pasok na pasok nga naman si Gretchen dito. Ang tanong, pasok kaya si Vico sa taste niya?


Samantala, narito ang mga komento ng mga netizens na tila shiniship ang dalawa.

“Vico and Gretchen = “ViChen” go Ajinomoto! PS: sa mga walang kapares dyan… baka naman? dugtungan ko pangalan mo”

“Tapos na raw po ang laban. May nanalo na po. May first lady na raw po ang mga Pasigueño. AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

Credit: UAAP_NCAA_Memes instagram

“The best Ang pinalit ni Gretchen ho .. Tama yan gretch. I wish u will be happy this time and so with Vico …handsome gentleman and smart guy. Boyfriend material ..”

“Bagay sila. Both smart and intelligent. Both atenista. Sana matuloy at madevelop relationship. Be buti nga Robi for surrendering grecht.”



“Both single and available, she’s 29, he’s 30, both ADMU graduates…they look good together! The only hindrance would be their faith-She’s Catholic, he’s Christian. Well, love moves in mysterious ways..hope they fall in love with each other. Go Vichen!!!”