Kambal na anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas na sina Pepe at Pilar, umaapaw ang pagiging cute sa kanilang mga litrato para sa kanilang Christmas Cards

Ilang araw na lang ay Pasko na. Malapit na nga naman ang kapaskuhan na hinihintay ng lahat. Ito ang panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat pamilya at bawat Pilipino.



Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Kasiyahan nga naman talaga ang unang pumapasok sa utak natin kapag Pasko na ang pinaguusapan. Isa pa, lagi nating iniisip na ang Pasko ay para sa mga bata.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Isang selebrasyon na pinakahihintay ng lahat ng mga bata ang araw ng Pasko. Siyempre, ito ang panahon na nandiyan ang mga regalo, handaan, sayawan, at mga party na talaga namang nagbibigay saya at tuwa sa mga bata.

Lahat ay pinaghahandaan na ang kapaskuhan. Isa na rito ang pagpapaganda sa mga bahay ng mga palamuti, dekorasyon, Christmas trees at mga Christmas lights.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Pero para sa mag-asawang broadcaster na si Korina Sanchez at politician na si Mar Roxas, pinaghahandaan na nila ang kanilang mga pinamimigay na yearly Christmas Card.

Ang kanilang kambal na anak na si Pepe at Pilar ang bida at laman ng mga Christmas cards na ito. Nagkaroon kasi ngayon ng first ever photo shoot si Pepe at Pilar. Christmas themed ang photo shoot na ito sa pangunguna ng Spark Studio.




Kilala nga naman ang Spark Studio sa pagkuha ng larawang pampamilya at pambata. Kaya naman, todo ang tuwa at saya ng kanilang mommy at daddy.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Mala “Santa’s little helpers” ang costume at outfit ni Pepe at Pilar na talagang namang napaka cute ng mga twins na ito. Mapapa good vibes ka na lang talaga sa suot suot ng twins na ito. Overloading ang cuteness at paniguradong nakakawala ng pagod at str3ss.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Sino kaya ang makakatanggap ng mga napakagandang mga Christmas cards na ito? Talagang napakaganda nga naman ng mga cards na ito sa mga adorable pictures ni Pepe at Pilar.



Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Bumuhos naman ang mga komento at papuri ng mga netizens sa kambal.