Patricia Javier, pinatunayan ang kanyang kakaibang galing at ganda nang manalo bilang Noble Queen of the Universe 2019

Napakarami nga namang mga international beauty pageants na talagang bumibida at laging nagwawagi ang ganda ng Pinoy. Sa mga iba’t ibang pageants ay talaga nga namang mapapa wow ka dahil laging nananalo at nakokoronahan ang mga Pinay na sumasabak sa iba’t ibang bansa.

Binabandera nga naman talaga ng ating mga pinapadala sa ibat ibang patimpalak ang ating bansa.



Credit: Patricia Javier Instagram

Gaya na lamang ni Patricia Javier na nasungkit ang kaunaunahang titulong Noble Queen of the Universe 2019 para sa Pinas noong December 1.

Ginawa ang pageant sa Centennial Hall Manila Hotel na kung saan hakot award talaga siya maging sa mga special awards at talagang crowd favorite pa.

Credit: Patricia Javier Instagram

Samantala, nakoronohan naman si Jill Chapman ng West Coast USA bilang Miss Noble Queen Earth, Miss Noble Queen Tourism naman ay nakuha ni Anna Robtsun Baylosis mula sa Russia, ang Australian representative na si Beau Villanueva ang nakasungkit ng Miss Noble Queen Globe title, at ang Noble Queen International ay si Maria France Imelda Papin Carrion.

Mula sa 21 kandidata ay talaga nga namang nanaig ang gandang Pinay.

Credit: Patricia Javier Instagram



Umabot din sa halos 6 na oras ang pageant dahil sa programang pinarangalan ang mga kababaihan na sina Gladys Reyes, Pokwang, Sanya Lopez, at Ara Mina.

Todo naman ang pasasalamat at pagbati ni Patricia sa kanyang IG account. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay.


“Thank you so much to all my family, friends and followers for all your prayers and full support with my journey,” ayon sa post ni Patricia.



Credit: Patricia Javier Instagram

Si Patricia Javier ay isa ding Filipina actress at singer. Samantala, marami namang mga netizens ang tuwang tuwa at nagpaabot ng congratulatory message kay Patricia sa pagbibigay ng karangalan sa ating bansa. Isang pagpupugay sa ganda at galing ng Pinoy!