Mister, nagulat sa mga sorpresang pinadala ni misis upang ipadama kung gaano sya naging sobrang proud sa kanyang asawa

Sa buhay mag-asawa, mas tumitibay ang relasyon kapag nagbibigayan, nagmamahalan at nagkakaintindihan.

Bilang mag-asawa, isang mahalagang bagay nga naman na magtulungan sa lahat ng bagay. Ito man ay sa gawaing bahay o sa trabaho.



Credit: Zu-man Paniqui Facebook

Gaya na lamang ng mag-asawang nasa post ni Zu-man Paniqui. Makikita sa mga post na nag-abot ng mga regalo ang delivery boy kay mister. Ang mga ito pala ay galing kay misis dahil sa pagiging best husband nito.

“Thank You Mahal … Thank you My Captain…MY Hero …THE Best Dad, Husband, and Son sa magulang. nakakaproud may ganito pang lalaki na mabait mapagmahal at maalaga masipag.. Walang bisyo,” ayos kay misis.

Credit: Zu-man Paniqui Facebook

Kahit pagod na pagod na raw ito sa trabaho, pinipilit pa rin nito na tulungan siya lalo na sa gawaing bahay.

“Tapos kapag dating dito s bahay tutulungan nya ako maglinis magtrabaho dito sa bahay. Maglaba. Magluto. Magtatanim pa halaman. Magdidilig. Magaalaga sa mga anak. Driver. Taong bahay.etc,” pagbabahagi pa ni misis.

Dagdag pa niya na sana maging inspirasyon ito sa iba at maisip din na di lahat ng lalake ay manlol0ko.

Credit: Zu-man Paniqui Facebook

Magandang halimbawa din namang maituturing sa mga asawa at ama ang ipinakita nito.

“SuperMan super Hero ng bayan, mga tao alam nila kasi kpag napapadaan mga tao nakikita talaga nila na masipag asawa ko nakakaproud, na ipagmamalaki mo, na proud ka at naging asawa ko xa,” sabi pa ni misis.




Narito naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

“Kung ganyan lang din sana kabait at ka responsable ang asawa ko kahit araw araw ko pa syang bigyan ng regalo…”

“Sana all ganyan ang husband. Husband material talaga!Kahit sino siguro MAGIGING proud at ipagsisigawan sa buong mundo!Ang lucky naman ng misis nya!”

Credit: Zu-man Paniqui Facebook

“Pa may surprise din ako sayo sa birthday mo. Bilhan kita sinturon kc nalalaglag na salawal mo hahaha. I love you pa best husband din papa ko mahal ka namin ng anak mo.”

“Sana all na msasabi ko ie..



Credit: Zu-man Paniqui Facebook

Asawa ko ok na sana ie perfect na kaso ung kulang sa knya gawain bahay pagtapos work cellphone na hawak ie.. Maalaga na sana sa mga anak namin mapagmhal walang bisyo.. Ung laba luto lng malpit na sana ma perfect hahaha may pa cake na sana ako..”