Chesca at Doug Kramer, ipinasilip ang sariling taniman ng gulay at prutas sa kanilang bakuran

Agrikultura ang pangunahing industriya na nakatutulong sa ating bansa. Dahil ang Pilipinas ay mayroong matabang lupa, malaki din nga naman ang bilang ng mga Pilipino na magsasaka. Lalo na sa nga rehiyon sa Luzon dahil doon matatagpuan ang Central Luzon na Rice Granary of the Philippines na Nueva Ecija.



Credit: Doug Kramer Instagram

Sa mga probinsya, ay buhay na buhay talaga ang pagsasaka. Saan ka man magpunta ay tatambad sa yo ang luntian na palayan. Masarap nga naman talaga ang produkto ng pagsasaka. Lalo na kung ito y sarili mong tanim ito.

Credit: Doug Kramer Instagram

Mas makakasigurado ka nga naman na ligtas at sariwa ang mga prutas at gulay na ito kung ito ay sariling ani at produkto ng farming. Mas makakamura pa dahil isang pitas lang ay may gulay at prutas ka na.

Kaya naman, maging sa mga urban areas ay talagang tinuturo at pinapalakas na ang urban farming. Kahit kasi mga siyudad at urban areas ito, mas maganda na magtanim na rin kahit mga maliliit lamang na lugar o lupa ang mga ito.



Credit: Doug Kramer Instagram

Gaya na lamang ng mag-asawang si Doug at Chesca Kramer na kung saan mayroon silang sariling farm garden. Grocery ang tawag nila dito dahil mga prutas, gulay at mga iba’t ibang herbs ang kanilang mga tinatanim dito.

Credit: Doug Kramer Instagram

Kapaki pakinabang nga naman talaga ito sa kanila. Kahit pa nasa urban area sila, prayoridad din nila ang magkaroon ng sariling organic garden.

Credit: Doug Kramer Instagram

“Don’t panic, it’s organic! 😂 We’ve been growing some herbs, fruits and vegetables in our small “growcery!”

Curious if you can tell by the pictures exactly what they are! Start naming what you see!
🤔❤️,” sambit ni Doug sa kanyang IG.



Credit: Doug Kramer Instagram

Maraming netizens ang nagandahan naman talaga sa garden na ito. Maganda na sa paningin, kapaki pakinabang pa ang mga bunga at gulay na ito. Kaya naman, patuloy na tinuturo sa mga bahay sa siyudad na mag urban farming.