Vhong Navarro, ikinasal na rin sa wakas sa kanyang long-time partner sa Japan na talagang ikinasaya at ikinasurpresa ng mga netizens

Ang kasal ay isang seremonya na nagpapatunay ng panghabang buhay na pagmamahalan ninyong dalawa sa h!rap man o sa ginhawa.

Ito ay isang sumpaan sa harap ng Diyos, batas at tao. Kaya naman, totoo talaga ang sinasabi ng mga matatanda na ang pagpapakasal ay hindi gaya ng isang mainit na kanin na kapag isinubo at napas0 ay pwede mong iluwa ito.



Kundi, ang kasal ay pinagiisapan, pinaghahandaan at siyempre dapat sa taong mahal mo at mahal ka. Kaya naman, para sa It’s Showtime host na si Vhong Navarro. Gaano man kahaba ang prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Screenshot: Kuya Kim Instagram

Opisyal ng kinasal si Vhong Navarro kay Tanya Bautista ngayong Huwebes pagtapos ang sampung taong pagsasama.

Nasaksihan ng kani kanilang nga pamilya, kaibigan, at mga katrabaho ang kasal sa Kyoto, Japan.

 

View this post on Instagram

 

MAMAYA PA YAN VHONG! @vhongx44 @t.winona

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on


Kasama sa mga dumalo ay ang mga co-hosts niya sa Showtime at mga kaibigang artista na nakasama niya sa mga pelikula.



Screenshot: Kuya Kim Instagram

“Napakasuwerte ko na si Tanya ‘yung girlfriend ko. Ilang bagy0 na ang dumating, pero pinapatibay kami ng panahon. Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, hindi ako iniwan niyan,” isa iyan sa mga pahayag ni Vhong noon sa “Magandang Buhay” talkshow.

Masayang masaya si Vhong sa kanyang misis na si Tanya. Anuman ang kanilang napagdaanan sa isang dekada kasama na ang isyung kinasangkutan noon kay Cedric Lee at Denise Cornejo, ay hindi pa rin sila nagpatinag kundi mas lalong naging matatag.

Screenshot: Kuya Kim Instagram

At ngayon, mapapa sana all ka na lang talaga dahil kay Vhong at Tanya, ay may forever na. Maging mga netizens naman ay bumati sa kanila:

“Wow!congratulations kuys Vhong & Ms Tanya best wishes Godbless.”

Screenshot: Kuya Kim Instagram

“Si Jhong at Ryan Bang na lang ang single sa male hosts ng Showtime!”

“nx na c ryan bang hehe… best wishes vhong and tanya!”



Screenshot: Kuya Kim Instagram

“Yes sa Osaka Japan ang kasal andun na Sina Billy at Coleen,Angel and Neil,Sina teddy at iba pa….”