Kim Chiu, muntik pang maluha habang binabalikan at ipinapakita ang dati nilang bahay sa Cebu

Bago pa man dumating ang kaginhawaan o ang tagumpay, may kanya kanyang istorya at nakaraan ang bawat tao.

Dumaan lahat sa kah!rapan o simpleng pamumuhay bago pa man maging isa sa mga tanyag, sikat na personalidad.



Credit: Kim Chiu Ph Youtube

Isa ang Chinita Princess na si Kim Sue Yap Chiu o mas kilala bilang Kim Chiu na umusbong ang career sa larangan ng pag aartista. Siya ay umahon din mula sa kahirapan bago pasukin at umpisahan ang kanyang karera.

Pumasok si Kim noong siya ay 16 bilang housemate sa bahay ni Kuya at itininanghal na winner sa first teen edition ng Pinoy Big Brother na isang reality show ng ABS-CBN.

Credit: Kim Chiu Instagram

Matapos makuha ang titulo, sunod sunod ng nagka tv, movie at recording projects ang Chinita Princess. Si Kim ay isang singer, recording artist, at television host.

Bago maging housemate ni kuya, nakatira si Kim sa isang maliit na bahay na kung saan napagkakasya nila ng kanyang pamilya.

Credit: Kim Chiu Ph Youtube

Ipinasilip ng teen big winner ang kanyang dating munting tahanan bago pa man pumasok sa bahay ni kuya sa Cebu City na makikita sa kanyang YouTube vlog.

Ipinakita din nya ang bahay ng kanyang lola kung saan sila nagsasalo salo pag may mga okasyon at pagtitipon.



Credit: Kim Chiu Ph Youtube

“You deserved the good things in life kimmy kc sobra mng bait love you chinita” yan ang isa sa mga kataga ng kanyang mga fans at supporters matapos ipasilip ang kanyang dating bahay bago sumikat sa industriya ng showbiz.

Credit: Kim Chiu Instagram

Dagdag pa rito, makikita sa video ang two bedroom condominium na binili nya sa kanyang pamilya sa Cebu City.

Ayon sa aktres, bago pa man sya sumikat ay doon sa bahay na yun sya lumaki at nangarap.

Credit: Kim Chiu Ph Youtube

“This is the place kung saan kami nakatira and this is our house before kung saan dating nangarap at natupad. Dito talaga nag-start lahat”

Ayon kay Kim. ipinagkasya ang kanilang kusina, sala, kwarto sa maliit na espasyo na iyon.

Credit: Kim Chiu Ph Youtube

“All the hardwork, mga pagod and puyat. Ito ‘yung isa sa mga hidden treasures ko sa Cebu City”

“Kapag mga ganito it is really a good investment kaysa i-gastos mo sa mga kotse, sa mga luho mo. Ito makikita mo talaga ‘yung hardwork mo.”