Hangad ng bawat magulang na bigyan ang kanilang anak ng espesyal na trato o mafeel nito na may nagmamahal sakanya.
Isa sa mga paraan kung paano ipakita ang pagmamahal sa anak ay ang pag alaala sa mga importante o mahalagang araw ng anak.

Tulad ng Birthday, graduation, mga program sa iskwela atbp.
Pero paano kung magkahiwalay o di na nagsasama ang magulang? Maari pa rin ba itong mangyari?

Kahit magkahiwalay na ang magulang ay pwede pa rin nila itong gampanan ang kanilang mga tungkulin sa kanilang anak upang madama ng kanilang anak na hindi siya nagiisa.
Tulad ng isang aktres, model at endorser na si Andi Eigenmann at si Jake Ejercito ay matatawag na naging good parents pa rin sa kanilang anak dahil sa pag alaala ng birthday ng kanilang anak na si Ellie noong November 23.

Makikita sa Instagram post ng magulang ang pagcelebrate sa 8th birthday ng kanilang anak.

Hindi maalis sa mukha ni Ellie ang kasiyahan dahil sa buo pa rin silang pamilya kasama ng kanyang baby sister na si Lilo.

Binigyan pa ng magulang ang kanilang anak ng isang cute na unicorn cake na katabi ni Ellie sa picture.
Mapapansin na nagkasama ang magulang ni Ellie para lamang sa birthday nito.
Marami ang nakakita na netizens sa pagcecelebrate ng birthday ng anak ng parehong artista kahit na di magkasama. Kaya naman marami ang natuwa sa pagpapalaki nila ng kanilang anak dahil hindi nila ito pinabayaan.
“cute!! and good job mom and dad! co-parenting is the way!!!”

“sila pa rin tlga bagay pero kung saan ang happiness doon na lang tayo.”
“Grabe chemistry nila together kaso di naman pwede ipilit. Sayang.”

“Oh Andi, ang sarap tingnan ng mukha mo. You look so happy and contented.”