Netizens, nagulat nang malaman na mag tita pala sina Paolo Ballesteros at Eula Valdes

Throwback kung tawagin ang pagbabalik tanaw sa nakaraan. Malaking bagay din naman ang nakaraan kung nasaan man tayo sa kasalukuyan. Ang mga ala-ala ng kahapon ay nakakatulong din naman sa atin kung paano mamuhay at ang ating mga pag-uugali ngayon.

Ang mga taong bahagi ng nakaraan ay dapat din naman nating ipinapagpasalamat. Sila ang mga taong kasama nating gumawa ng ala-ala, at tagumpay. Nandiyan ang ating mga pamilya, kaibigan, o barkada.



Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Isa sa mga nagpapaaalala sa ating nakaraan at throwback kung tawagin ay ang mga pictures natin noon. Lalo na ang mga childhood pictures natin.

Makikita mo sa mga childhood pictures ang cuteness at bubbly mo noong bata ka. Maging ang mga weird poses at nakakatuwang mga larawan.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram



Gaya na lamang ng TV host na si Paolo Ballesteros. Tila nakapangalkal siya sa kanyang mga nakaraang larawan.

Isa sa mga nakita niyang throwback picture ay ang kanyang larawan noong siya ay bata pa kasama ng aktres at kanyang tita ninang na si Ms. Eula Valdes.

Credit: Eula Valdes Instagram

Nakuhanan ang larawan na ito sa Cabanatuan. At talaga namang tuwang tuwa si Paolo nang makita ito.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

“Throwback! With my tita ninang [Eula Valdes] in Cabanatuan hehe. Thanks for the pic labyu… Lamna agad ang hawak-hawak!” sambit ni Paolo sa kanyang IG.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Kapansin pansin ang cuteness ni Paolo. Bata pa nga lang ay talaga namang napakagwapo ng Eat Bulaga host. Sino ba ang hindi ma cucute-an kay Paolo noon?

Maging ang kanyang kulot na buhok ay talaga namang bagay na bagay sa kanya. Napakalaki nga naman ng tuwa at ngiti sa mukha ni Paolo.



Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Marami din sa mga netizens ang nabigla at mag tita pala si Paolo Ballesteros at Eula Valdes. Hindi din naman nakapagtataka dahil pareho silang gwapo at maganda. Kapansin pansin din na halos magkahawig sila ng mata na napansin din ng mga netizens.