Alexa Ilacad, pinatunayan ang pagiging matalino at magaling dahil sa nakuhang Dean’s List Award sa kanyang eskwelahan

Napakahirap nga naman na pagsabayin ang pag-aaral at ang trabaho. Nakakabilib ang tiyaga at sipag na ipinapakita ng mga working students na nagsasakr!pisyo para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Challenge nga naman na maituturing na pagsabayin ito. Nakakatuwa na maraming mga working students ang pumapasa at nagtatapos pa with flying colors o may honors pa.



Credit: Alexa Ilacad Instagram

Gaya na lamang ng mga teen showbiz icons na pinagsasabay ang showbiz career sa kanilang pag-aaral. Iyan ang ipinakitang dedikasyon ng teen actress na si Alexa Ilacad.

Sa ngayon, nag-aaral si Alexa sa Treston International College. Noong Mayo 2018, nagtapos na si Alexa sa High School. Ngayon, sa kolehiyo ay nakasungkit ng awards with honors si Alexa.

Credit: Alexa Ilacad Instagram

“Didn’t think I’d be able to do it again because of my crazy schedule but yay! So thankful for my lovely classmates and teachers who helped me every step of the way,” ayon kay Alexa.

Patunay nga naman ito na talagang walang imposible kung gugustuhin mo. Kung ikaw ay determinado na masungkit ang isang bagay, walang imposible kung magsusumikap tayo sa pag-abot nito.

Gaya na lamang ni Alexa, sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz. Nababalanse pa rin niya ang kanyag oras at trabaho.



Credit: Alexa Ilacad Instagram

“I would just cry buckets because I was so exhausted and I couldn’t handle the stress of cramming… This is a very proud moment for me because I thought I wouldn’t be able to make it,” dagdag pa ni Alexa.

Nagpapakita lamang nito na ang determinasyon ang tunay na sukatan sa tagumpay. Ang mga munting hakbang na ito ang nagpapatunay nito.

Credit: Alexa Ilacad Instagram

Narito ang mga komento ng mga netizens na humanga kay Alexa.

“WOW galing kht busy bilang artista nangibabaw pa rin.ang.talino sa pag aaral. Congrats!”

Credit: Alexa Ilacad Instagram

congrats alexa. deserve every blessing. 💖 keep shining!”

“I’m proud of you, congrats alex”

“Wow congrats Alexa.beauty & brain!”



Credit: Alexa Ilacad Instagram

“Congrats Alexa ilacad galing galing mo”