Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang kanilang bongga at napakagandang Christmas tree na kanyang inayos mismo para sa nalalapit na pasko

Ramdam na ang malamig na simoy ng hangin, lalo na ang hanging amihan na nagpapalamig sa samyo ng hangin. Nandiyan na rin ang masarap na puto at bibingka. Samahan mo pa ng mga ilaw na kumukurap kurap sa daan.

Tama ka nga, nasa Ber months na tayo kung tawagin. Mga buwang alam nating malapit na ang holiday season. Walang iba kundi ang Pasko na talaga namang pinaghahandaan nating lahat.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Mula sa mga pagkaing ihahanda sa Noche Buena, damit at sapatos na isusuot, regalo at aginaldo na ipamimigay at mga palamuti at dekorasyon sa loob at labas ng tahanan.

Iyan nga naman ay talagang pinaghahandaan lalo na’t ang ating bansa ang isa sa mga bansang may pinakamasayang Pasko sa buong mundo.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Bawat pamilya ay naghahanda na sa pagdating ng happiest season of all. Bata man o matanda ay talaga namang excited na excited sa Pasko. Lalo na sa paghahanda nito.

Gaya na lamang ng Pamilya Pacquiao, nagpost na si Jinkee kung paano nga ba ang paghahanda nila sa nalalapit na Pasko.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Napakagarbo at napakaganda ng mga dekosrasyon at palamuting inilagay ni Jinkee sa kanilang tahanan.

Kaya naman, randam na randam na ang simoy at ambience ng Pasko sa tahanang Pacquiao.

 

View this post on Instagram

 

I Love my Christmas Tree πŸŽ„πŸ˜πŸ’–πŸ§‘ 𝖳𝗁𝖺𝗇𝗄 π–Έπ—ˆπ—Ž @peeeweee21

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


“My Christmas tree is up! 🧑 #christmasvibesπŸŽ„,” sambit ni Jinkee sa kanyang IG.

Lalo na ang kanilang napakalaking Christmas tree na flamingo inspired na talaga namang wow na wow. Sino ba ang hindi hahanga sa napakagandang Christmas tree na ito?

Nandiyan din ang ibang palamuti maging sa dining at living area ng kanilang mansion ay makikita. Napakasarap nga namang bumisita sa bahay ng pamilya Pacquiao.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Pero, paniguradong mas mayroong hinanda sina Pacman at pamilya nito sa darating na Pasko. Hinahanda na rin nila panigurado ang mga pamimigay nila at ibabahagi nilang mga regalo at aginaldo sa mga pagbibigyan nila.

Sa lahat ng ito, ang tunay na diwa ng Pasko ng pagmamahalan pa rin naman ang mangunguna!