Pokwang, inilahad ang dahilan kung bakit laging kasama ni Baby Malia ang kanyang mga kasambahay tuwing kakain

Ang pakainin ng magana ang isang bata ang siya nga namang napakahirap gawin sa lahat. Lalo na sa isang bata, mas gusto niya ang maglaro, manood ng TV at ayaw kumain. Pero, sa turo at diskarte ni nanay at tatay, mapapagana nga naman ang mga ito na kumain.



Credit: @itspokwang27 instagram

Kagaya na lamang ng Baby Malia O’Brian, anak ni Mamang Pokwang. Lagi nga naman bida si Baby Malia sa IG account nya at kanyang ina. Nagmana talaga siya kay Pokwang sa kanyang pagiging bibo.

Credit: @itspokwang27 instagram

Isa sa mga kapansin pansin na makikita sa mga videos ni Baby Malia ay ang kanyang malakas at maganang pagkain. Bagay na kinamamanghaan ng iba at talagang tinanong pa kay Mamang Pokwang kung ano ang kanyang sikreto.

Credit: @itspokwang27 instagram

Ang iba’y depende daw sa gatas, bitamina, o kinakain. Pero, para kay Pokwang may iba siyang sikreto dito.




Narito ang sikreto ni Pokwang ukol dito:

“Goodmorning….. sa mga nagtatanong ano daw sikreto namin bakit magana kumain si #tisayngmasa @malia_obrian ang sagot ko ay, HUMILITY!”

Credit: @itspokwang27 instagram

Nakakalakas nga naman talagang kumain kapag marami ang kasabay mo sa hapag kainan. Napakasarap ng salu salo kung masarap ang pagkain at masaya din ang iyong mga kasama.

“mas magana sya kumain kapag marami sya kasabay lalo na mga kasambahay ko po, ang table manners madaling matutunan yan lalo na kapag nasa wastong pag iisip na sya,pero ang pakikipagkapwa tao dapat mas maagang tinuturo,” sambit ni Pokwang. sa kanyang IG.

Credit: @itspokwang27 instagram

Tunay nga namang iba ang nagagawa ng pagpapakumbaba. Wala kay Pokwang ang posisyon, bilang kasambahay o amo. Makikita sa simpleng bagay na sabay sabay nilang pagkain ang pagpapakumbaba.

Kaya naman, enjoy na enjoy for sure si Baby Malia na kumakain at nagkakagana kasama ng kanilang mga kasambahay.



Credit: @itspokwang27 instagram

Nakakabilib ang mga ganitong taong may malalim na pagpapahalaga sa mga kasambahay. Hindi lamang sila mga kasambahay kundi ganap ng myembro ng pamilya.