OFW, naging inspirasyon sa mga kapwa OFW dahil nagawa nyang makapagpatayo ng bahay sa maliit na halaga, sa loob lamang ng isang taon

Isa sa mga pangangailangan nating dapat tugunan ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Kaya naman, kayod marino tayong lahat upang makapag-ipon upang makapagpundar ng ating dream house.

Kagaya na lamang ng OFW na ito sa Taiwan, isa sila sa mga naapektuhan noong Bagyong Yolanda taong 2013. Kaya naman, isa sa mga nais niyang gawin ay maipaayos ang kanilang bahay.



Credit: Glen89 TV Youtube

Taong 2018, bitbit ang pangarap na maisayos ang kanilang bahay ay naipagawa na ito ngayon.

Halos isang taon pa lang siya sa Taiwan, pero nakagawa siya ng paraan para maipasaayos ang kanilang bahay. Sa halagang ₱60,000 na budget, napakalaki ng naging kaibahan ng kanilang tagpi tagping bahay.

Credit: Glen89 TV Youtube

Ngayon, ay makikita ang ganda at gara ng bahay na ito. Matibay pa kung titignan kaya naman sulit na sulit ang kanyang pagkayod.

Marami tuloy ang nag iisip kung paano nagkasya ang 60,000 sa pagpapatayo ng bahay. Wala nga namang imposible dahil mismong mga kapatid at kaanak niya pala ang gumawa at nagtrabaho para dito.

Kaya naman, hangang hanga ang mga netizens nito na umabot sa maraming viewers nito at narito pa ang kanilang mga komento:

“Mga responsible ang mga kaanak niya. Talagang sininop ang perang pinapadala para sa bahay na gusto niyang ipagawa.Saludo ako sa iyo at sa iyong mga kapatid.”



Credit: Glen89 TV Youtube

“Sarap sa pakiramdam na Hindi nasayang ang perang pinagpaguran mo,proud ofw hir katas ng kuwait bahay at lupa na my tanim rubber tree,at shempre tumulong sa kapatid at magulang at sa mga taong tumulong sakin,,noon,, 😊😊😊

“Ganyan tlaga basta un pinadalhan marunong humawak sa pera aq sa awa ng dios 10 yrs na sa ibang bansa wala naipatayu khit kubo buti nlang nkatanggap ng bahay sa Yolanda un awa ng dios nagkaroon swerte ka sa familya mo kbayan👍👍👍

Credit: Glen89 TV Youtube

“Kayang kaya basta wlang bawas ang sahod wlang pinapadalhan,, iba nga jn hati p ang sahod nka pag pundar khit paano..✌️✌️✌️



Credit: Glen89 TV Youtube

“Talaga magagawa nya yan kung s kanya lng at walang umaasa at walang pinapag Aral Mahirap n ikaw lng mag isa at umaasa p sayo Hindi k kaagad mkkpag pagpatayo ng Ganoon klaseng Bahay maganda s pamilya kung nagtutulungan pero kung lahat umaasa sayo kawawa ang nagtatrabaho s ibng bansa”