Ethel Booba, isinawalat ang kanyang pagbubuntis matapos manalo bilang kampeon sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime

Kilala nga naman si Ethel bilang isang komedyanteng nagpapasaya sa mga Pilipino. Sa tinagal tagal, nakilala si Ethel sa kanyang dala dalang tuwa, ligaya at saya sa atin. Bagay na kinagigiliwan naman ng lahat ng mga tagapanood at tagahanga ni Ethel.



Credit: Ethyl Coyoca Gabison Instagram

Kamakailan lang ay naging matunog ang pangalan ni Ethel dahil sa kanyang pagsali sa It’s Showtime Tawag Ng Tanghalan Celebrity Edition. Matapos ang kompetisyon, naitanghal si Ethel bilang kampeon ng kumpetisyon.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Pero, iba din pala itong si Ethel. Hindi lang ang kanyang pagkapanalo ang ipinagdiriwang kundi ang pagdating ng bagong tao sa kanyang buhay.

Opisyal ng inanunsyo ni Ethel na anim na buwan na siyang buntis. Sa ngayon, ay masayang masaya si Ethel sa kanyang pagbubuntis at sa piling ng kanyang kasintahan na non-showbiz personality na si Jessie Salazar.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison Instagram

“Double celebration, double congratulations to me. Ito na nga! Six months pregnant. Pasensiya na ha, hindi ako makabuga ang sakit talaga ng puson ko,” sambit ni Ethel.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Kumg dati ay si Ethel na lang lagi ang nagpapasaya sa atin. Ngayon, sa wakas ay may magpapasaya na sa kanya walang iba kundi ang kanyang anak.

Narito naman ang mga komento ng pagbati ng mga netizens:

“Wow, so happy for Ethel! Kahit anong mangyari, she will always have a place in showbiz! Congratulations!”


Congrats ethel mas nagtagumpay ka sa larangan ng pagiging isang ina…doble achievments woow masarap parin ang maging isang ina…fulfillment .talaga yan biilang isang babae..”

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Congratulations Ethel… God bless you… Bentang-benta sa akin ang mga birit mo… ingat😍😍😍

“God’ Perfect timing! Congrats and Godblessyou. Miss Ethel Booba.
Ung mga pagarap mo ito na siya ngayon.. At ung biyaya ng Panginoon Diyos” Unti unti mo na, natatanggap. Nawa’y Pag ingatan ka ng Panginoon Diyos” at ganun din ang iyong baby😘



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Sobrang laki ng pinagbago ni Ethel from the gimikera girl dati hanggang sa sobrang sincere na sa buhay ngayon. Proud of you! Dami mo magagandang blessings this year! Congrats!”