Aicelle Santos at Mark Zambrano, bongga ang kasal na dinaluhan ng kanilang mga pamilya, kaibigan at mga kilalang personalidad sa TV

Destiny kung tawagin ang naglalapit sa dalawang taong nagmamahal at pinagtatagpo talaga ng tadhana upang magsama ng tiwasay at makabuo ng pamilya.

Ganyan nga naman ang vision na dapat magkaroon ng dalawang nagmamahalan. Ito ay ang maging mag asawa at bumuo ng sariling pamilya.




Pero siyempre, bago muna makarating sa puntong ito, marami munang paghahanda ang dapat gawin. Paghahandang emosyonal na dapat ay maging responsable sa lahat ng responsibilidad. Handa ka na rin dapat i commit ang sarili sa minamahal.

Nandiyan din ang pinansyal na aspeto dahil maraming mga pangangailangan na dapat tustusan.

Credit: GMA News Facebook

Matapos ang lahat ng paghahandang ito, pwedeng pwede niyo nang pasukin ang buhay mag-asawa.

Malamang ay handa na ang newly wed na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa isang garden ceremony.

Kilalang musician at singer si Aicelle at journalist si Mark. Ano man ang kanilang mga napagadaanan sa relasyon, isa lang ang pinatunguhan nito kundi sa kasalan na talagang pinaniniwalaang may forever.

Credit: iamcatatibayan instagram

Nasaksihan at ibinahagi ng mga kasamang journalist ni Mark ang kasal.

Isa na dito si Cata Tibayan na ibinahagi ito sa kanyang IG.

“LOOK: Happening Now: The nuptials of Mark Zambrano and Aicelle Santos”



Credit: iamcatatibayan instagram

Maging ang isang journalist na si Raffy Tima ay nagbahagi din ng kanyang mensahe.

“Nang mangusap ang kanilang mga mata. Congratulations and best wishes Aicelle and Mark. #AiMarkwedding,” sambit ni Raffy.

 

View this post on Instagram

 

Nang mangusap ang kanilang mga mata. Congratulations and best wishes Aicelle and Mark. #AiMarkwedding

A post shared by raffytima (@raffytima) on


Nakakakilig nga naman ang kwento ni Mark at Aicelle. Sino ba ang hindi kikiligin sa kasal. Wala ng mas hihigit pa sa love story na aabot sa simbahan.

Maging mga netizens ay masayang masaya dahil dito:

Congratulations to the both of you on your wedding.best wishes….”

Congratulations to both of you! May you put God in the center of your relationship.”

Credit: iamcatatibayan instagram



Congratulations & Best Wishes Mr. & Mrs. Mark & Aicelle Zambrano!!!”

Congrats Mr & Mrs Zambrano. Best Wishes

congratulations and best wishes.. isa ako sa kinikilig sa 2 ito umpisa p lng.”