Mariel Padilla, inaming nabigla sa sobrang mahal ng presyo ng kanyang ultrasound na ginawa sa Amerika

Sa pagdating ng isang baby sa pamilya, napakarami nga namang mga dapat ihanda para sa pagdating na ito. Mula sa mga pisikal na paghahanda gaya ng pagbili ng mga gamit para kay baby. Maging ang tiyaga sa pagaalaga ng bata, sa bawat pagpupuyat at pagpapagod.

Ang pagiging handa rin sa responsibilidad ay isang bagay na inihahanda bilang mga future parents.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Nandiyan din ang paghahandang pinansyal para sa pagbili ng mga pangangailangan ni baby mula sa diaper at gatas, mga kailangang check up o kahit wala pa si baby ay pinaghahandaan na ang gastos.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Kagaya na lamang ng mga bayad sa pregnancy check ups, ultrasounds at mga laboratory fees. Kaya naman ang buntis ngayon sa kanilang ikalawang anak na si Mariel Padilla at Robin Padilla ay
nagpahayag ng kanilang mga paghahanda sa paparating na ikalawang mga anak.

Namamalagi si Mariel ngayon sa United States. Isa sa mga sinabi ni Mariel ay kung magkan0 ang kaniyang ultrasound fee sa America.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Nagkakahalaga ng halos $947 o 47,874.92 pesos ang pinakaunang ultrasound na mayroon siya sa kanyang 2nd baby na si Gabriella.

Hindi tuloy maiwasan ni Mariel na ikumpara ito sa presyo ng ultra sound sa Pilipinas na talaga namang napakalayo ng agwat ng presyo.

Credit: Mariel Padilla Youtube

“I did my first ultrasound the other time, nakakaloka kasi sinend nila yung bill. Parang $947, medyo na-shock ako ng konte kasi 2,500 lang yun sa Pilipinas,” sambit ni Mariel.

Pero, sa kabila ng kahit anong gastusin, mas mahalaga siyempre kina Mariel ang kalusugan ng anak habang na sa sinapupunan pa niya.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Isang paraan ang ultrasound na ito upang masigurado na ligtas at malusog si baby lalo na kapag siya ay naipanganak. Maganda na monitored siya ng mga doktor bago pa man siya maisilang. Lalo na kung maselan ang pagbubuntis ni mommy. Lagi namang prayoridad ang kapakanan ni baby at ni mommy.