Julia Montes, ginulat ang mga netizens sa kanyang ‘new look’ na talagang umani ng matinding paghanga at pagkasabik na makita syang muli sa TV

Lagi nilang sinasabi na change is the only permanent thing in this world. Hindi mo nga naman matatanggal ang pagbabago sa ating buhay. Lahat ay nagbabago, may pagbabago at makikita ang mga pagbabagong ito.

Bilang mga indibidwal, sumasailalim din tayo sa ating mga sariling pagbabago. Gaya na lamang ng pisikal na pagbabago na makikita sa mukha, body figure, pananamit o istilo ng porma.



Credit: Julia Montes Instagram

Sasalang din naman tayo sa mga pagbabagong emosyonal na kung saan ang ating mga nararamdaman at naiisip ay maaari ding magbago.

Lahat nga naman talaga ay nagbabago, inside and out. Nasa atin lang kung paano makaaapekto sa atin ang pagbabagong ito, para ba ito sa ating ikabubuti o ikasasama.

Credit: Julia Montes Instagram

Ngunit, may mga simpleng pagbabago sa atin na maaaring wala lang sa iyo ngunit kapansin pansin sa iba. Gaya na lamang ng hairdo ng isang tao.

Usap usapan at talk of the town pa nga sa social media ang post ng ABS CBN actress na si Julia Montes.

Credit: Julia Montes Instagram

Sa kanyang post ay makikita ang napakagandang mukha ni Julia at mapapansin ang mas pinaikling buhok ni Julia. Bagay na napansin naman talaga ng mga netizens.

Ayon sa iba, bagay na bagay daw talaga ito ni Julia at nagmukhang fresh at young look. Bumata nga naman ang hitsura at dating ni Julia sa kanyang new hair style.



Credit: juliamlovers08 Instagram

Matagal din naman nating hindi nakita si Julia dahil sa kanyang pagbabakasyon sa Germany.

Kaya naman, na miss siya ng mga netizens at narito ang kanilang mga komento at papuri:

“Sana nga pumasok sya sa AP, marami talaga nag aabang sa kanya,. Kung sakali man. Lalong gaganda ang AP😊😊

Credit: Julia Montes Instagram

“Same cla 2 mgnda.WG nyo nmn I compare.ang bwat isa sa kanila ay ktangian”.

“Mas maganda Naman talaga sm,kapag pumasok na sya sa probinsyano lalong aabangan ng mga fans,Sana isama na sya sa probinsyano”

“Mas bagay sa kanya short hair”



 

View this post on Instagram

 

Thank you GAOC family ❤️😁 @gaocdental

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


“Ganda pdin nmn ni idol kht ano gupit nia”