Maja Salvador, inamin ang kanyang tunay na saloobin sa usapin kung sya man ay magpapakasal sa hinaharap

Patuloy nga naman ang buhos ng blessings sa buhay ni Maja. Lalo na sa kanyang showbiz career na talaga namang laging suportado ng kanyang mga fans.

Ang kanyang teleserye ngayon ay tuloy tuloy din sa pamamayagpag sa ratings. Kaya, masayang masaya talaga si Maja sa takbo ng kanyang karera.



Credit: @iammajasalvador instagram

At kung love life din naman ang usapan, ay hindi rin naman mahuhuli si Maja diyan. Malimit na nga natin makita sa kanilang mga IG posts ang mga sweet moments nila sa isa’t isa.

Nakakakilig ang kanilang mga larawan at naguumapaw ang pagiibigan nilang dalawa sa isa’t isa. Hindi na nakapagtataka kung bakit nga naman sila nagbalikan dahil talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Credit: @iammajasalvador instagram

Nakuha pang mag kwento ni Maja ukol sa pakikipagkita niya muli sa family ni Rambo.

“Walang nagbago. After nine years, mas quadruple pa ‘yung love na binibigay nila, especially ‘yung mga kapatid niya, lalo na si Tita Marilen. Since very supportive sila, talagang ipaparamdam nila na parte ako ng pamilya nila,” kwento ni Maja sa PUSH.



Credit: @iammajasalvador instagram

Hindi ba’t masaya na nga naman talaga si Maja at Rambo. Ang tanong, hahantong na kaya ito sa kasalan?

“Hindi ko rin alam. ‘Yan nga rin ‘yung nakaka-excite, ‘yung mga moments na ‘yan,” dagdag na sagot ni Maja.

Credit: @iammajasalvador instagram

Hindi maiwasang itanong ito kay Maja dahil nasa edad na rin naman na sila at kita sa kanila ang tunay na pagmamahalan. Hindi naman nag paligoy ligoy si Maja sa pagsagot nito.

“Kung mangyari man ‘yun kung mapagdesisyunan man namin ni Rambo na i-take na namin ito to the next level, malalaman niyo po,” dagdag pa ni Maja.



Credit: @iammajasalvador instagram

Siyempre, todo suporta naman ang mga fans ni Maja sa kanya lalo na’t nakikita nilang masaya ang kanilang idolo. Wala na nga naman silang ibang mahihiling pa kundi ang masayang career, pamilya at love life para sa kanya.