Arci Munoz, biglang napaluha habang nanunuod ng isang concert sa Korea

Ang pagiging artista ay hindi simpleng bagay na makukuha lamang sa pa sayaw-sayaw, arte o kanta. Sa kanilang napaka hectic na schedule, puyat na tinitiis, pagod na mula araw haggang gabi ay kumakayod pa din ay talaga nga namang nakakawala ng lakas.



Credit: Arci Munoz Instagram

Kahit gaano nga naman kahirap ito, patuloy pa ring namamayagpag ang kani-kanilang mga karera. Patuloy na nagniningning ang kanilang mga kasikatan. Naging matagumpay ang rurok ng kanilang karera. Iyan nga naman ang buhay artista.

Credit: Arci Munoz Instagram

Pero sa likod ng mga magtatagumpay na artista, ay hindi lamang nila sariling pagsisikap ang lahat. Sa suporta ng mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanila. Sila ang mga tagatangkilik ng bawat album, pelikula, teleserye.

 

View this post on Instagram

 

Moments. 💜 #sepanx sorry last na. 🙏😁 #kimnamjoon #kimseokjin #minyoongi #junghoseok #parkjimin #kimtaehyung #jeonjungkook #bts

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on


Fandom culture, iyan nga naman ang tawag sa kultura na sinusundan ng mga fans o taga hanga ang kanilang mga iniidolo. Ito ang panahon na kung saan bawat kanta o awitin ay alam na alam mo.

Bawat pelikula ng kanilang mga idolo ay alam na alam nila. Mula sa mga bida, kontrabida, at maging mga famous lines ay kabisado pa talaga nila. Ganyan ang suportang ipinakita ng mga fans sa kanilang mga idol.



Credit: Arci Munoz Instagram

Gaya na lamang ng sikat na aktres na si Arci Munoz. Sa ngayon, gumaganap siya sa Pamilya Ko, isang teleserye sa ABS CBN.

Simula pa ng maging artista si Arci at bumuhos na ang napakadaming mga fans at supporters sa kanya. Kaya naman tuloy tuloy ang pagsikat niya.


Pero iba itong si Arci. Maging siya pala ay fan din ng isang KPop Group. Isang fan at ARMY pala si Arci. Fan siya ng grupong BTS.

Credit: Arci Munoz Instagram

Kaya naman, lumipad talaga siya sa South Korea para lamang mapanood sila. Speechless at maging sa caption sa social media ay wala na lang talagang siyang maisulat.



Credit: Arci Munoz Instagram

Naiyak din sya habang nasa concert ground dahil sa kakaibang tuwa na naramdaman. Iba ang fandom na mayroon si Arci sa kanyang mga idolo na BTS na ibinabalik din ng kanyang mga sariling taga hanga.