Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, inulan ng pagbati mula sa mga Netizens nang ipasilip nila ang kanilang engagement photos

Ang kasal ay talaga nga namang sagrado at pinag iisipan. Ito ay isang sumpaan sa harap ng tao at ng Diyos. Kaya naman, isinasaalang alang ang lahat ng aspeto bago mag propose sa babaeng iniirog mo at mag say yes sa lalaking pinakamamahal mo.



Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Iba ang nagagawa ng pag-ibig sa tao. Makikita sa galak at tuwa na talaga nga namang nagpapayabong sa pagmamahal.

Wedding bells din naman ang magiging kahihinatnan ng dalawang taong tunay na nag iibigan. Iyan ang pangakong bibitawan na ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa isa’t isa.

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Matapos ang ilang taon na pagkakilala, pagkakaibigan at pagiging magkasintahan, finally opisyal na nga namang ikakasal na at lalagay sa tahimik si Sarah at Matteo.

“I love you my love, now and forever. ❤️,” iyan ang pahayag ni Matteo sa kanyang IG.

 

View this post on Instagram

 

I love you my love, now and forever. ❤️

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on


Iba nga naman pag binitawan na ang salitang I love you. Pero mas iba ang dating kapag may forever.

Forever na nga naman talaga ni Matteo si Sarah. Lahat ay masayang masaya para sa kanila.



Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Maging mga fans ng dalawa ay todo ang suporta. Walang bitter ika nga nila. Ito ang kanilang mga komento ng suporta:

“It’s about time. Congratulations Sarah and Mateo. May God Bless and keep you both always. Happy engagement to both of you.”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“Wow mga idol ko kayo sarah g. And mat. Good luck and God bless you! Both mababait.. superlike😊

“Matteo alagaan mo si Sarah namin Mahal na Mahal namin Yan.. napakaswerte mo sa kanya NASA kanya na lahat.. bagay Naman kayo pareho kayo maswerte sa isat Isa… God bless”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

congrats sa inyo Sarah Matteo sa wakas mgpakasal na masaya ang mga fans nyo isa nko.Matteo napakaswerte mo ky sarah..dahil ikaw lang ang nag iisang lalaking minahal nyan at hindi pinagpasa pasahan ng ibang lalaki”



Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“Super happy coz just got the confirmation of the matagal ng hinihintay na kasalan Matteo & Sarah G. Yehey! Congrats!”