Netizens, nagulat sa mga naging sagot ng anak ni Yorme Isko na si Joaquin sa isang interview dahil sa pagiging sobrang bait nito gaya ng kanyang ama

Like father, like son. Iyan nga naman ang laging sinasabi kapag usapang tatay at anak. Sabi nga nila, kanino pa magmamana ang isang anak kundi sa kanyang mga magulang.

Gaya na lamang ng Yorme ng Maynila na si Isko Moreno, talaga nga namang marami ang namangha kung paano niya pinaganda ang siyudad. Ang kalinisan, disiplina at kaunlaran ay talagang masasaksihan sa Maynila.



Credit: Joaquin Domagoso Instagram

Bilang sentro ng bansa, napakagandang makita ang asenso sa siyudad na ito. At ito ay dahil sa pamumuno ng napakagaling na Yorme Isko Moreno. Sino ba ang hindi nabilib sa kanya? Sa loob at labas man ng siyudad, sa Pilipinas man ay talagang kilalang kilala.

Pero, kahit pa kilala at sikat na si Yorme, nananatili ang kanyang pagiging humble. Sabi nga nila, low key lang.

Credit: Raymond Kutch Facebook

Kung humble at low key ang usapan, mangunguna din dyan ang anak ni Yorme na si Joaquin. Sa kanyang isang interview ni Joaquin, tinanong kung magkano ang baon niya.

Nabigla naman nga ang lahat sa kanyang sinabi na 200 pesos. Ayon pa sa kanya, sobra sobra na daw ito.



Credit: Joaquin Domagoso Instagram

Isa pa, nang tanungin kung nais nyang bumili ng sasakyan. Ayaw daw niya at kung bibili man, gusto daw niya na sarili niya itong pera.

Kung ano man ang nagpapasaya sa kanya, hindi gadget o kung ano man gamit. Junk food na V Cut ang kanyang sagot na ikinatuwa naman ng lahat.

Kaya bilib na bilib ang mga netizens sa kanya. Manang mana daw talaga kay Yorme Isko si Joaquin.

“May kasabihan nga db kng ano ang puno cya dn ang bunga ang bait n ama nya kya ganon dn ang mga anak nkkaproud mayor”

Credit: Joaquin Domagoso Instagram

“Humble c tatay ky tinuturuan ng ama n mging humble sa totoo lang dapat lang ang mga politico mging humble kc taong byan amg bomoto sa knila.”

“Galingan m mayor isko ang pgseserbisyo bilng ama ng syodad mlaking karangaln ng paglingkud ng kapital ng pilipinas ng isang isko moreno n galing s smokey mountain”



Credit: Joaquin Domagoso Instagram

“Mayor mas cute ka talaga sa kabataan mo hahaha”

“ang tunay na masa ng manila is isko moreno galing sa hirap at may pusong alam ang saloobin ng mga mahihirap”