James Reid, inamin ang totoong dahilan kung bakit di pa sya handang maging kapartner sa trabaho si Julia Barretto

Bahagi na ng kultura ng showbiz ang mga love teams. Lahat ay kinagigiliwan ang mga Pinoy love teams na talaga namang nagbibigay ng kilig at saya sa mga Pinoy.

Sila ang bumibida sa mga pelikula at teleserye. Patok na patok sa takilya ang kanilang mga pelikula na talaga namang pinag uusapan at dinudumog ng madla.



Credit: ABS-CBN Entertainment

Gaya na lamang ng mga naglalakihang pangalan na Kathniel na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Bidang bida ang kanilang mga pelikula gaya ng The Hows of Us.

Diyan din ang LizQuen na sina Liza Soberano at Enrique Gil na bumida sa Alone Together movie. Syempre, ang JaDine na sina James Reid at Nadine Lustre. Sumikat sila sa teleserye na On the Wings of Love at pelikula na Diary ng Panget.

Credit: ABS-CBN Entertainment

Kaya naman, sa isang interview ni James Reid kay Boy Abunda, ay napag usapan ang tungkol sa pairing at love teams. Narito ang naging pahayag ni James ukol dito:

“Just let artists work together for the sake of work. We don’t have to involve personal lives as well. Let’s move away from that. It’s not healthy,” pahayag ng aktor.

Credit: ABS-CBN Entertainment

Sa isang segment ng Tonight With Boy Abunda, ay ang “Games Reid o Games Over Reid” Challenge. Dito ay pipili o sasabihin ni James ang mga next leading ladies niya.



Credit: ABS-CBN Entertainment

Sa kanyang pahayag, open daw si James na makipagtrabaho kay Yassi Pressman, sa kanyang long-time friend na si Kathryn Bernardo at si Liza Soberano.

Gustong gusto din niyang magkaroon ng music project kasama si Janella Salvador.

Credit: ABS-CBN Entertainment

Nang tanungin naman siya ukol kay Julia Barretto, ang kanyang naging sagot ay “Games Over Reid”. Klinaro naman ni James na wala daw personal na isyu si James kay Julia.



Sa ngayon, masayang masaya pa rin si James sa kanyang partner at leading lady na si Nadine Lustre. Samu’t sari naman ang reaksyon ng mga netizens ukol dito.

Source: ABS-CBN Entertainment