Luxury Bus na byaheng Baguio, patok na patok sa mga turista at byahero dahil sa napaka-kumportable at mabilis na byahe nito

Lahat nga naman tayo ay mayroong mga travel goals na nais gawin at puntahan. Kanya kanya tayo ng dream destination. Sa destinasyon, isa nga naman ang bus sa mga mode of transportation.

Nag upgrade na nga din naman ang mga bus na ito. Hindi na lang sila ordinary bus. Mayroong mga bus na talaga namang napakaganda ng mga features.



Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Sigurado ang pagiging komportable mo at ma eenjoy mo ang travel mo sa iba’t ibang mga lugar.

Gaya na lamang ng mga buses ng Pangasinan Solid North Transit, luxury bus talaga ang handog nito. Napakaganda nga naman sa lahat ng aspeto. Narito ang ilan sa mga features ng luxury bus na ito:

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

USB Ready Buspad – Kung mainipin ka sa byahe, pwedeng pwede ka manood ng movies sa bus. Gamit ang USB port na ito, mapapanood mo na ang favorite movies mo.

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

USB Charging Ports – Kung nalolowbat naman ang iyong phone o gadget, pwedeng pwede ka ding mag charge sa bus.

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Makikita din ang mas malaking lalagyan sa taas ng bus para sa mga bagbo ibang bagahe.



Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Para naman sa call of nature, nariyan ang comfort Room na nasa loob ng bus. Di na nga naman kailangan ng stop over.

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Mayroon ding isang screen na malalaman ang iba’t ibang mga features ng bus gaya ng CR Vacancy, Time at speed display.

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Para naman sa safety ng bawat isa, mayroon ding Individual seatbelts ang bawat upuan.

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Comfort naman ang hatid ng Lazyboy Full seat recliner na kung saan makakahiga at makakaupo ka ng maayos.

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Nariyan pa ang Individual reading lights and aircon ventellations sa bawat upuan..

Credit: Pangasinan Solid North Transit, Inc. Facebook

Para din di ka mainip, nandiyan din ang In Bus Entertainment System na talaga namang mag eenjoy ka.

At ito pa, para sa seguridad ng bus at ng mga nakasakay, magagamit talaga ang CCTV Cameras na nandito.




Ang mga biyahe ng bus na ito ay Mula Cubao patungong Manaoag (6 AM at 3 PM) , San Carlos (8AM at 4 PM), Dagupan (10 AM at 5 PM) , Bolinao Alaminos (11:30 AM), at Lingayen (1 PM) .