Mika dela Cruz, naglabas ng matinding saloobin matapos lumabas ang katanungan ni Alexa Ilacad para kay Nash Aguas

Lahat tayo ay dumaraan sa pagiging teenager. Sa bahagi ng buhay na ito, dumaraan tayo sa pagkakaroon ng love life.

Ang magligawan, magkaroon ng kasintahan ay preparasyon nga naman sa hinaharap bago magpakasal at makabuo ng sariling pamilya.



Credit: Aeign Zackrey Nash Aguas Instagram

Maging mga teen celebrities ay dumadaan din sa ganito. Ang kaibahan nga lang siguro talaga ay naka sa publiko ang kani kanilang mga kwento. Kaya nalalaman ito ng publiko dahil na rin sa sinusundan ng mga fans ang kani kanilang mga kwento.

Kagaya na lamang ng kwento ng child star na si Nash Aguas. Marami nga naman ang nakasaksi sa pagkabata ni Nash. Bata pa lang ay artista na si Nash.

Credit: Aeign Zackrey Nash Aguas Instagram

Pero, ngayon binatang binata na si Nash. Sa ngayon, kasintahan niya ang dating child star at teen actress na si Mika dela Cruz.

Ayon kay Nash, matagal ng matagal na crush at mahal ni Nash si Mika. Nabanggit pa niya na 13 years daw niya itong nasa puso ni Nash.



Credit: Mika Dela Cruz Instagram

Kaya, hindi maiwasang mag komento ng dating kasintahan ni Nash na si Alexa Ilacad.

“Napa-isip ako when I read that ’13 years’ thing… Kasi inside the 13 years, I was there. So when you say na 13 years, and I still love you, where was I?” sambit niya sa post.

Credit: Alexa Ilacad Instagram

Naging usap usapan ito ng mga netizens. Wala namang naging sagot sa kampo ni Nash at maging kay Mika.

Pero, may post si Mika sa kanyang IG. Narito ang post.

Credit: Mika Dela Cruz Instagram

“Wala lang sayo pero di mo inisip yung mararamdaman niya kasi alam mong hindi siya aalis, hahabulin ka naman…

“Tas pag finally pagod na yung tao sayo at sa ways mo… tsaka mo ngayon marerealize yung weight ng mga bagay na nagawa mo at di mo nagawa. Tapos magsisisi ka…

Credit: Mika Dela Cruz Instagram



“Papaka-bitter ka na lang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya mababalik… Kasi alam mo sa sarili mo kahit anong ibang rason pa ang halungkatin mo… ikaw yung nagkulang,”

Bagamat walang pangalan na pinatutunguhan, may mga netizens na nagiisip na may kinalaman ito sa kanila ni Nash.