Ara Dabao, ang napakagandang babaeng pinakilala ni Ryan Bang bilang girlfriend ay anak pala ng magagaling na aktor na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na syang hinangaan ng mga netizens dahil sa ganda nito

“Kung ano ang puno siyang bunga,” iyan nga naman ang laging sinasabi tungkol sa mga anak at magulang. Sa anumang aspeto, laging inaasahan na magmamana ang anak sa kanyang nanay o tatay.

Sa pisikal na aspeto, ang itsura ng mukha, laki ng katawan, kulay ng balat o anumang
pisikal na pangangatawan ay maaaring makuha ng isang anak sa kanyang mga magulang.



Credit: Ara Dabao Instagram

Maging ang kagalingan o karunungan sa anumang klasi ng skills ay pwede ring mamana. Kung marunong sa Math, o anumang subject, o sa pagkanta o pag arte,o anumang talento ay maaari ding makuha at mamana ng mga anak.

Credit: Ara Dabao Instagram

Ito ay nagiging posible dahil sa heredity at sa mga genes. Mayroon nga namang siyentipikong eksplanasyon dito. Bukod pa dito, ang kultura ang siya ding mahalagang aspeto. Sa nakikita at nakalakihan, ay naimamana at naipapasa din nila ito sa kanilang mga anak.

Credit: Ara Dabao Instagram

Kaya kung artista ang mga ama o ina, may posibilidad nga naman na maging mga anak nila ay papasok din sa mundo ng showbiz. Marami na nga namang pangalan ang lumutang na anak ng nga naglalakihang pangalan ng showbiz. Hindi na nakapagtataka kung bakit maging sila ay papasukin ang industriya ng showbiz.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Gaya na lamang ng napakagandang dilag na nag guest sa performance ng Team Karylle at Ryan Bang sa Magpasikat performance ng Anniversary ng It’s Showtime.



Si Ara Dabao na ipinakilala bilang “future girl friend ni Ryan Bang” sa kanilang performance. Sa mismong performance, nakita nga naman si Ara na naging bahagi ng kanilang napakagandang presentasyon.

Credit: Ara Dabao Instagram

Matapos nito, pabirong ipinakilala ni Ryan si Ara bilang kanyang kasintahan. Napag alaman na si Ara ay anak pala ng mga showbiz stars na si Ricky Davao at Jackie Lou Blanco.

Credit: Ara Dabao Instagram

May pinagmanahan nga naman sa ganda ar galing si Ara. Sa kanyang mga magulang na talagang gwapo at maganda, ay talaga nga namang manang mana siya sa kanila.



Credit: Ara Dabao Instagram

Lahat nga naman ay nag eenjoy sa kanilang presentasyon at napahanga sa kaniyang performance.