Bata, ‘Winner’ ang halloween costume nyang may nakasabit na bill ng kuryente at tubig na talaga namang pumatok sa mga netizens

Papalapit na naman ang buwan ng Nobyembre. Ito nga naman ang tinuturing na Halloween Month dahil na rin sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day.

Ito ang panahon na binibisita nating muli ang mga yumao nating mahal sa buhay. Pinagtitirik ng kandila at inaalala ang kanilang mga buhay sa atin.



Source: Pexels

Isa din sa mga tumatak kapag Nobyembre ay ang buwan ng katatakutan. Halloween ika nga nila. Dito nabubuhay ang kwento ng mga lamang lupa, maligno, aswang at mga multo.

Iba’t ibang klase ng kababalaghan ang pinag uusapan. At maging mga bata ay may pakulo dito na kung tawagin ay Trick or Treat. Dito nagsusuot ng mga iba’t ibang costume na nakakatakot ang mga bata at nag iikot upang humingi ng mga kendi.

Nakakatuwa ang isang batang nakita at ibinahagi ng isang netizen na si Nexil S. Palabrica. Ipinakita niya ang larawan ng isang batang kasama sa trick or treat.




Agaw pansin naman kasi talaga ang kanyang costume. Makikita na sinabitan ang bata sa kanyang likod ng mga bills at resibo ng tubig at kuryente. Imbis na kung ano anong mga karakter, sapat na nga naman ang babayaran sa kuryente upang matakot.

“Grabe ‘yung costume nung batang to, nakakatakot talaga…,” sambit ng caption nito. Iisipin mo bang may pangalan pa ang costume na ito. “Judith” kung tawagin nila ito, dahil sa tawag na due date sa mga gastusin sa bahay. Mapapanganga ka na lang kasi talaga sa takot sa buwan buwan na laki ng binabayaran. Halloween talaga ito.

Narito naman ang mga natawa sa naturang post:

“Talagang nakakatakot yan.. tipirin nio man ang konsumo same ang bill du nalalayo sa last na bill. Na parang yun lage ang na ko consume.. ?

Credit: Nexil S. Palabrica Facebook

“Hahaha,tlagang nkk kilabot Ang kanyang costume…buwan- buwan xang kinakatakutan Judith Judith??????

“hahaha unique … talagang nakakatakot sya every month syang nakikita hahaha”



“Napakatalino ng nanay ng bata. Hahaha. Oo nga naman, sino bang matanda ang hindi natatak0t sa mga bayarin? Sana next time, logo naman ng Meralco at Maynilad para solid”