Lolit Solis, nagpahayag pa rin ng suporta sa pelikula nila Maine Mendoza at Carlo Aquino sa kabila ng umano’y di masyadong magandang kinalabasan ng kanilang pelikula

Sa showbiz industry, ay wala nga namang permanente. Bawat oras ay pabagu bago, bagong pelikula, bagong teleserye at bagong mga pairings at love teams.

Magka love team ngayon, at sa ilang iglap lang ay magpapalit na ito Kagaya na lamang ng sumikat sa GMA7 noon time show na Eat Bulaga na kung tawagin ay “AlDub” na sina Alden Richards at Yaya Dub Maine Mendoza.



Credit: Maine Mendoza Instagram

Marami nga naman ang nahumaling sa kanilang tambalan na inabangan ng lahat. Pero, tila nag iba ang ihip ng hangin nang matapos ang kanilang tambalan.

Si Alden Richards ay nagkaroon ng pelikula na “Hello Love Goodbye” na itinambal sa ABS CBN actress na si Kathry Bernardo. At si Maine Mendoza ay bumida din sa pelikula kasama si Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings”.

Credit: Maine Mendoza Instagram

Naging maganda ang kinalabasan ng mga pelikulang ito. Ngunit, mayroong mga nagsasabing disappointing daw ang resulta ng pelikula ni Maine at Carlo.


Iyaan naman hayagang dinepensahan ni Manay Lolit Solis. Mariing sinabi ni Lolit na hindi naman ito disapointing.

Credit: Maine Mendoza Instagram

“Hindi naman siguro ganun ka disappointing ang resulta ng movie nila Maine Mendoza at Carlo Aquino. Iba naman kasi ang tema ng pelikula nila Alden Richards at Kathryn Bernardo. Unfair din ikumpara iyon dalawang movie dahil magkaiba naman ng level ng popularity ang mga kasama nila sa project,” banggit ni Lolit.

Binanggit din niya ang mga fans na tila nangangailangang daw ng reality check.



Credit: Maine Mendoza Instagram

“Ang nabigyan ng reality check dito iyon mayayabang at salbaheng fans na lagi ng nagyayabang sa salitang boycott at akala mo mahuhusay ang utak na kung anu-ano ang advice na ibinibigay para sa mga project na bagay sa kanilang idolo, tapos wala naman pala kakayahan para sumuporta,” pagbabahagi pa ni Solis.

 

View this post on Instagram

 

Hindi naman siguro ganun ka disappointing ang resulta ng movie nila Maine Mendoza at Carlo Aquino. Iba naman kasi ang tema ng pelikula nila Alden Richards at Kathryn Bernardo. Unfair din ikumpara iyon dalawang movie dahil magkaiba naman ng level ng popularity ang mga kasama nila sa project. Mabuti at parehong maganda ang mga pelikula nila na kahit papaano iyon ay maipagmamalaki ng dalawa. Ang nabigyan ng reality check dito iyon mayayabang at salbaheng fans na lagi ng nagyayabang sa salitang boycott at akala mo mahuhusay ang utak na kung anu-ano ang advice na ibinibigay para sa mga project na bagay sa kanilang idolo, tapos wala naman pala kakayahan para sumuporta. All barks, no bites. Ang violent kasi na akala mo sila lang ang puwede asahan, now at least alam na ni Alden at Maine na hindi tutoo iyon mga panakot ng mga bulag na fans na sa kanila maniwala, na hindi totoo na kaya nila sumira at nagpasikat ng isang artista. Demanding at manipulative, hindi tunay na fans iyan. Kasi iyon tunay na fan unconditional ang pagmamahal sa idolo nila kahit anong bagay na mabuti for their idol gagawin at tatanggapin nila. Go Alden and Maine at least napatunayan n’yo na you both can do it alone, and succeed, congratulations to you both. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Demanding at manipulative, ganyan nga namang inilarawan ni Solis ang ilang mga fans.

“…hindi tunay na fans iyan. Kasi iyon tunay na fan unconditional ang pagmamahal sa idolo nila kahit anong bagay na mabuti for their idol gagawin at tatanggapin nila,” banggit pa niya.

Nagpaabot naman ng pagbati at words of encouragements si Lolit para sa kanila:



Credit: Maine Mendoza Instagram

“Go Alden and Maine at least napatunayan n’yo na you both can do it alone, and succeed, congratulations to you both.”