Anak, nagulat at napaluha sa mga surpresang regalo na ipinadala ng kanyang tatay na OFW sa isang napakalayong bansa

H!rap at sakr!pisyo ang puhunan ng ating mga magulang na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang may maipangtustos sa ating mga pangangailangan.

Kahit pa mahirap ang malayo sa pamilya, walang kasiguraduhan sa ibang bansa, at nakakalungkot na nag-iisa, hindi ito nagiging hadlang para magtrabaho para sa kapakanan ng pamilya.



Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

Kaya, hindi maiwasan na malungkot at mamiss nila ang kanilang mga mahal sa buhay lalo na ang kanilang mga anak.

Pero kahit anong layo nito, bawing bawi naman sila sa pamilya. Kagaya na lamang ng isang amang OFW mula sa Pohnpei, Micronesia.

Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

Kahit gaano man kalayo ito, pinilit talaga ng tatay na ito na mapasaya at makabawi sa kanyang anak sa araw ng kanyang kaarawan.

Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

Hindi man inasahan ito ng kanyang anak kung kaya’t abot langit talaga ang kanyang tuwa. Sa tulong ng Manila Surprise Gift Padala Online, sinorpresa ng ama na ito ang kanyang anak sa espesyal na araw ng kanyang kapanganakan.



Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

Sinorpresa siya at nakatanggap siya ng bulaklak, tsokolate, at napakalaking teddy bear.

Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

Mayroon pang nakaka touch na mensahe ang kanyang ama sa kanya:

“Alam ko hindi ganun kadali ang pinagdadaanan natin, mahirap at masak!t na mapalayo kayo sa akin. Pero alam ko kaya nating malampasan lahat. Pakatatag lang tayo palagi, andito lang ako para sa inyo. Kaya natin yan, I Love You! Sana anak napasaya kita sa maliit na bagay na nagawa ko,” sambit ng amang OFW.

Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

Tuwang tuwa naman ang kanyang anak. Paniguradong mahal na mahal sya ng kanyang tatay kaya naman kahit wala sya sa kanilang piling ay pilit nyang ipinapadama pa rin ang kanyang pagmamahal kahit sa mga regalo man lang.

Narito ang mga komento ng mga netizens na lubos na humanga sa OFW na ito.

“I salute you sir bihira lang sa mga taytay na ganon malau man kau sa isat isa pinaramdam mo pa rin ang pagkaama mo..”

Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

“Maswerte ka sya naging ama mo pahalagahan mo din sya kagaya ng pagpahalaga niya sayo”

“napakawerte nman ng anak na to…kahit malau ang ama di mo alintana na malayou sayo…nakakaingit kac di ko naranasan na may ama ako never kok ciang nakita hinanap ko pero wala na cia tapos may iba pla ciang pamilya”



Credit: Manila Surprise Gift Padala Online Facebook

“Maswerte ka sya naging ama mo pahalagahan mo din sya kagaya ng pagpahalaga niya sayo”

Congratulations sa Tatay napakabuti nya. “