LJ Reyes, sobra ang pasasalamat kay Paolo Contis dahil todo ang suporta nito sa pag-aalaga sa kanilang anak

Sa buhay, mahirap nga naman kung wala kang katuwang lalo na kung may pinapalaki kang mga anak. Mahirap ang pagiging single parent.

Kaya naman, mas maigi kung may katuwang ka sa buhay na tumutulong sa iyo sa lahat ng bagay.



Credit: LJ Reyes Instagram

Wala ka na nga namang ibang aasahan pa kundi ang iyong sarili. Pero kung may kasama ka, kayo ay magtutulungan sa pag-aalaga at papapalaki nito.

Credit: LJ Reyes Instagram

Kagaya na lamang ni LJ Reyes, nasanay na nga yata siya na nag iisa sa lahat. Kaya nang magkasakit si Baby Summer ay pinipilit ni LJ na gawin ang lahat hanggang sa ma realize niya na nandiyan si Paolo Contis sa kanya.

Credit: LJ Reyes Instagram

“Naisip kong kunan sarili ko to remind me that night, that moment na.. ‘uy di na pala ako magisa!’ Minsan nakakalimutan ko na andyan si Pao not because he’s absent but because I was so used to doing everything on my own. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagaalaga din sayo,” sambit ni LJ sa kanyang isang post dahil kay Paolo na lagi nandiyan para sa kanya.



Credit: LJ Reyes Instagram

Kwento pa ni LJ,

Credit: LJ Reyes Instagram

“Isang gabi, sumuka sya sa kakaubo nya. Karga karga ko sya nun tapos hirap na hirap sya umubo. So pinapat ko yung likod nya to help her. I kept telling her “It’s ok. Mommy’s here!”.

Sobra kapit nya sakin. Hanggang sa sinusuka na nya yung plema. Tinanggap ko lahat ng suka nya punong puno ako ng suka. Pero di ko sya binitawan Pao insisted that I change my clothes kasi malalamigan likod ko sa aircon. I agreed kasi nagpapahinga na rin naman si Summer.”

Credit: LJ Reyes Instagram

Kaya naman, todo ang pasasalamat ni LJ kay Paolo sa pagiging responsableng ama at laging suportado sa kanya.



Credit: LJ Reyes Instagram

“And to tell my fellow moms na minsan ok lang di tayo makapagayos para lang sa pamilya natin. Sasaluhin natin lahat ng suka ng buong buo para sa kanila! Our journeys may all be different pero parepareho ang puso natin!,” bilang mensahe niya sa kanyang mga kapwa ina.