Jinkee at Manny Pacquiao, ipinasilip ang kanilang kauna-unahang napakalaking mansyon sa GenSan na talaga namang kitang kita sa mga Chandeliers pa lamang nito

“House and lot” iyan nga naman ang isa sa mga pangarap nating lahat sa buhay. Ang magkaroon ng sariling bahay at lupa ay inaasam asam nating lahat kaya naman marami ang subsob sa trabaho at sa negosyo.

Gagawin nga naman ang lahat ng sakr!pisyo at todo sa trabaho upang makabili ng sariling bahay at lupa. Iba pa din ang may sariling bahay at lupa ka. Siyempre, talaga nga namang magiging komportable ka sa sarili mong bahay.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Wala ka nga namang iintindihing bayad sa lupa o kaya nama’y sa ibang mga taong kasama mo sa bahay dahil sarili mo ang mismong lupa at bahay.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Isa nga naman sa pinaguusapan ngayon sa IG ay ang post ng mag – asawang Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Jinkee Pacquiao. Ipinost nila ang kanilang pinakaunang bahay na kanilang naipundar.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

“𝐴𝑛𝑔 π‘π‘–π‘›π‘Žπ‘˜π‘Ž-π‘’π‘›π‘Žπ‘›π‘” π‘π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘¦ π‘›π‘Žπ‘šπ‘–π‘› π‘›π‘Ž π‘π‘–π‘›π‘Žπ‘”π‘˜π‘Žπ‘™π‘œπ‘œπ‘ 𝑛𝑔 π‘ƒπ‘Žπ‘›π‘”π‘–π‘›π‘œπ‘œπ‘›.Β βœ¨πŸ’›Β #Godwillalwaysprovide✨,” saad ng IG post.

Makikita sa post na ito ang napakagandang bahay at mansion ng People’s Champ. Sa hagdan pa lang ay mapapa wow ka na lang talaga. Ang ganda ng disenyo ng kanilang mansion, talagang makikita mong planadong planado ito.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Tamang tama din ang ilaw na nandito na may partner pang bonggang bonggang chandelier. Maging ang carpet at kurtina ay talaga namang napakaganda at bagay na bagay sa bahay.

Makikita mo din sa larawan ang dalawang taong nasa likod at haligi ng bahay na ito, sina Pacman at Jinkee Pacquiao.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Mula sa h!rap ay talaga namang nagtiyaga silang dalawa. Anumang pagsubok ang dumating sa kanila ay ipinaglaban nila ang kanilang buhay at pamilya. At ngayon ay nakakatamasa na sila ng maginhawa at tiwasay na buhay.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Ang bahay na ito na kanilang pinaka unang bahay ay bunga ng kanilang sipag at tiyaga. Bunga din ito ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa at tiwala sa Panginoon. Iyan nga naman talaga ang tunay na tagumpay!