Kakaibang pakulo sa isang kasalan, patok na patok sa mga netizens

Sa modernong panahon ngayon, may kani-kaniyang paraan, at istilo tayong nais gawin upang maging memorable ang mga mahahalagang pangyayari sa ating mga buhay gaya ng kasal.

Gustong gusto mo nga naman na talagang mayroong wow factor ang iyong kasal upang tumatak ang seremonyas ng inyong long and lasting love.



Credit: Visuals by Alaz Facebook

Ang kasal ni Allerie at Jill Lega ay talaga namang hindi mo makakalimutan sa sobrang ganda at unique ng kanilang set up. Bawat detalye ay talagang kakaiba, at masasabi mong pinaghandaan at pinagisipan.

Inupload ng Visuals by Alaz na naging bahagi din ng kasal na ito ang mga larawan at detalye ng kasal.

Credit: Visuals by Alaz Facebook

Unang una na dito ay, imbes kasi na wine ang gagamitin ay Ginebra San Miguel Gin o Gin bilog kung tawagin ang gagamitin sa kasal.

Imbes na puting kotse ang bridal car, isang pick-up ang ginamit dito.

Hindi high heels o black shoes ang kanilang sinuot, rubber shoes ang sinuot nilang dalawa katerno sa pormadong suit ni groom at puting wedding gown ni bride.

Credit: Visuals by Alaz Facebook

Isa din sa nakatutuwa ay ang paggamit ng lengguwaheng Filipino sa kanilang imbitasyon. Hindi ba’t nakabibilib diba.

“Lubos po kaming nagpapasalamat ng aking kabiyak na si Jill Roxas-Lega sa lahat ng natuwa at nag-mensahe. Nakakataba po ng puso lahat ng nababasa naming mga komento. Hindi magiging ganito kasaya at kaganda ang aming kasal kundi dahil sa aming mga suppliers,” sambit ni Allerie.



Credit: Visuals by Alaz Facebook

“Maraming salamat po lalo na sa aming mga litratista Visuals by Alaz — Jay, Nazrene, Sam and Alec. Habang-buhay tatak sa aming mag-asawa ang kasiyahang binigay ninyon sa amin. Naging parte kayo ng buhay namin. Muli, maraming salamat po sa lahat.. ISANG TAGAY SA TAGUMPAY…
#leLEGAgawankitahabangbuhay,” dagdag pa ni Allerie sa kanyang pasasalamat sa Facebook.

Credit: Visuals by Alaz Facebook

Bilib na bilib naman ang mga netizens dito, at ang daming mga netizens na nagsabi ng kanilang komento at tila tinag pa ang kanilang mga jowa:

“Cool wedding concepts. I love their shoes! Sana all hehe”

“para lang may idea ka pero no rush, no pressure. Dba cool to😎 but wouldn’t want it any other way the best pa rin kasal natin😘♥️

Credit: Visuals by Alaz Facebook

“ganda ng idea . iwant to experience soon and i hope .. 😊😊😊😊 baka nmn 😅😅😅 loveyou😘😘😘

“Ang daming mga babaeng nagtatag sa mga Jowa nila!🤣ANO MGA KUYS PRESSURED?😂😂



Credit: Visuals by Alaz Facebook

“Sa future wedding mo malalagay lahat ng mga bisyo mo AHHAAHHAHAHAAH”