Pauleen Luna, ipinaliwanag ang totoong dahilan kung bakit di sila masyadong nagkikita ni Vic Sotto simula pa nung mga nakaraang linggo

Napakahalaga ng oras bilang sangkap upang mapagtibay ang isang relasyon. Anumang klase ng relasyon, mag-asawa, magnobyo o nobya, pamilya, magulang at anak ay napakahalaga talaga ng oras.

Ang pagkakaroon ng sapat na oras upang mag-usap at mag bonding ay talaga nga namang nakatutuwang tignan dahil ang oras ang siyang siguradong nagpapayabong sa pagmamahalan sa isa’t isa.



Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Pero, hindi natin maiiwasan na magkulang sa oras dahil na rin sa iba’t ibang mga ka busyhan sa buhay. Siyempre, kailangan din nating ilaan ang ating mga oras sa pag-aaral o kaya’y sa pagtatrabaho.

Lalo na ang mga magulang na kumakayod at subsob na sa trabaho upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamilya. Sa kabila nito, hindi din maaalis sa mga couple o mag-asawa na mamiss ang isa’t isa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kagaya na lamang ng napakagandang si Pauleen Luna. Sa kanyang isang post sa IG, ay tila busy sa trabaho si Bossing Vic Sotto na kanyang asawa kaya namimiss niya ito.

“Missing my dear husband who’s still out working since this morning. These past weeks, his schedule’s been crazy because he’s filming for his movie,” sambit ni Pauleen.



Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Dahil sa kanyang pagiging TV host at shooting sa nalalapit niyang pelikula sa MMFF, ay naging busy si Bossing. Pero sabi pa ni Pauleen, naiintindihan niya ang pagiging busy ni Bossing dahil nakapagpapasaya siya ng mga Pilipino.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

“And though i terribly miss him, his absence makes me appreciate all the hardwork he’s doing for his film and for us. He never complains even though i know how tired he is. Maybe because he’s doing it with love and passion. Thank you my love for all that you do for us, for your entire family. We love you and we appreciate you! Always and forever,” dagdag pa ni Pauleen sa Instagram.




Iba din ang sakr!pisyo ng mga artista sa showbiz. Naisasakr!pisyo nila ang kanilang oras sa pamilya upang makapagpasaya sa mga kababayan natin sa loob man o sa labas ng bansa.