Batang estudyante sa Grade 1, buong pusong ibinigay ang kanyang alkansya kay Yorme Isko para ipantulong sa mga taong walang matirhan

Uso nga naman ang mga alikansya ngayon. May mga piggy bank, mga alikansya na gawa sa kawayan, bote o kung ano ano pa. Nangangagulugan lamang nito na nahihilig na rin ang mga Pilipino ngayon sa pagiipon.

Credit: GMA News Facebook



Sabi nga nila, mas maganda kung ikaw ay nag-iipon. Dahil sa panahon ng pangangailangan ay may magagamit ka, at paniguradong may maasahan ka.

Ang iba naman ay nag iipon dahil mayroon silang nais bilhin o nais makuha. Kagaya na lamang ng batang si Asher Aaron Prillo, isang Grade 1 student, 6 taong gulang.

Credit: GMA News Facebook

Isang sasakyan na remote controlled daw ang nais bilhin ni Asher kaya siya nag iipon. Pero tila nag iba ang ihip ng hangin nang ipadala niya ang kanyang mga naipon kay Mayor Isko Moreno.

Credit: GMA News Facebook

May kalakip itong note na nagsasabing ibinigay niya ito kay Yorme dahil nais niyang makatulong sa mga informal settlers o mga walang sariling bahay.

Credit: GMA News Facebook

Ayon kay Lolo Antonio, lolo ni Asher, siya ang kasa kasama niya sa paghahatid sa apo. Tinuro nya daw sa kanyang apo ang halaga ng pagiging mapagbigay sa nangangailangan. Nakwento pa ni Lolo na dati din siyang informal settler.




Kaya naman, marami ang nabilib kay Asher dahil sa murang edad ay may naisin ng makatulong sa kapwa. Narito ang kanilang mga komento:

“Galing nmn saludo ako sayo asher..bait dapat tularan ng mga bata at kabataan👏👏👏👏👏

Credit: GMA News Facebook

“Buti PA po yung bata naisip Nyan Ang magbigay Sa iba at gusto Nyang mabigyan ng tirahan Ang mga palaboy. Bakit po kaya Hindi naisip ng nga taong may pera yan.. At may katungkulan Sa lipunan. Saludo Ako sayo baby boy…godbless you”

“Ako din may alkansya din ako mula grade 1 nag-iipon na ako kc Alam ko mahirap Ang buhay Lalo na pag matanda na magulang ko haist sa dami Kong alkansya nalimutan ko na Yung iba…”

Credit: GMA News Facebook

“Batang Caloocan Bethel Christian School yan magandang magturo jan sa school na yan 2 anak ko graduate jan”



Credit: GMA News Facebook

“Minsan sinubukan ko din na mag alkansya pero na dodonate ko ng maaga kay nanay”

Kung si Asher na Grade 1 student ay may kayang gawin, ikaw ba anong magagawa mo?