Sugar Mercado, ibinunyag ang totoong dahilan kung bakit bigla syang nawala sa ‘Wowowin’ na talagang ipinagtaka ng mga viewers nito

Kilala nga naman ang Wowowin, isang programa sa GMA 7 sa pangunguna ni Willie Revillame. Kilala ito bilang tumutulong sa sambayanang Pilipino, sa kanilang mga pangarap at maka angat sa buhay.

Pero, maliban sa mga nanonood, maging ang mga hosts ay nabigyan din ng mga break upang makatulong din sa kanila. Bilang mga artista, ay alam naman natin na sila lang din ang inaasahan sa kanilang mga pamilya.



Credit: Sugar Mercado Instagram

Si Sugar Mercado, ang isa sa mga host ng Wowowin. Pansamantala ay napansin na nawala siya sa show at marami ang nagtatanong kung bakit siya wala.

May mga bulung bulungan kung bakit nawala siya, kaya naman ngayon ay nagsalita na si Sugar kung ano ang tunay na dahilan.

Credit: Sugar Mercado Instagram

“Inasikaso ko muna, inayos ko muna. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Wil. Pinayagan naman niya ako, na welcome ako makabalik, ganun. Kaya sobrang thankful ako. And ‘yung pagbalik ko pa, sobrang laki. Sobrang nakaka-excite, nakaka-proud talaga,” paliwanag ni Sugar.

Todo todo din ang pasasalamat ni Sugar kay Kuya Wil na talaga namang walang sawang sumusuporta sa kanila.



Credit: Sugar Mercado Instagram

“Lahat ng tao sa kanya, alam mo ‘yun, lahat lagi may chance… hindi naman siya ‘yung parang huhusgahan niya kung ano ‘yung mga bagay-bagay. Maintindihin siyang tao, nauunawaan niya lahat ng bagay.

Kaya nga ‘di ba, lahat ng taong sumusuporta sa Wowowin talaga, alam niyang lahat ‘yun nangangailangan ‘tsaka gusto lamang ay kasiyahan sa buhay,” paliwanag ni Sugar.

Credit: Sugar Mercado Instagram

“Sobrang thankful ako kay Wil, kasi syempre ‘di ba, sa lahat ay lagi siyang nagbibigay ng chance. Pag kailangan talaga ng tao ‘yung tulong, tutulong talaga siya. At saka kahit hindi ako, kahit ibang tao handa siyang tumulong. Bukas ‘yung dalawang kamay niya, ‘yung mga palad niya para tumulong sa lahat ng nangangailangan.

Kaya sobrang thankful ako sa kanya sa pagtulong sa pamilya at mga anak ko. Mahal na mahal ko siya, at mahal na mahal namin siyang lahat,” dagdag pa ni Sugar.

Credit: Sugar Mercado Instagram



Hindi nga natin maiwasan na kailangan nating magpahinga minsan sa karera ng ating mga buhay upang bigyang oras ang pamilya lalo na ang mga anak. Isang malaking bagay ang oras sa kanila na talaga namang kailangan ng isang pamilya.

Source: GMA Entertainment