Nanay Violeta, mas matamis ang pagkapanalo dahil sa pagkikita nilang muli ng kanyang asawang nawala ng 47 na taon

Sikat ang palabas na It’s Showtime hindi lamang dahil sa pagpapatawa at mga magagandang segments nito kundi dahil din sa mga nadidiskubre nilang nakakaantig na mga kwento ng buhay ng kanilang mga contestant.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube



Isa sa mga nakaka-iyak na kwento ay ang kwento ng Tawag ng Tanghalan finalist na si Violeta Bayawa. Si Violeta ay 70 years old at nakakuha na ng P150,000 galing sa kanyang pagkapanalo bilang finalist.

Naging paborito ng madlang people si Violeta dahil sa kanyang pag-awit ng mga classic hits na Kailangan Kita at Saan Ka Man Naroroon. Ang mga awitin na ito daw ay kanyang inaalay sa kanyang asawa na matagal na niyang hindi nakikita. Ang asawa na tinutukoy niya ay si Zacharias Bayawa o ang tinatawag niyang “Ga”.

Huling nagkita si Violeta at Zacharias nang tumungo ng Amerika si Zacharias. Noong panahon na iyon ay ipangbubuntis ni Violeta ang kanilang anak na si Jennifer. Ang plano nila ay susunod si Violeta at Jennifer sa Amerika ngunit isang araw ay nawalan ng komunikasyon ang dalawa.

Biglang hindi nagparamdam si Zacharias at laking gulat ni Violeta nang malaman niyang may iba na itong asawa sa Amerika.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Sa interview kay Violeta sa show na “Magandang Buhay” ay sinabi niyang hindi niya matanggap noong umpisa ang nabalitaan sa asawa. Sumama ang loob niya dahil hindi tinupad ng asawang si Zacharias ang kanyang pangakong magkakasama muli silang pamilya sa amerika.



Noong Agosto ay nagulat si Violeta sa naging surpresa sa kanya ni Vice Ganda. Ang naging surpresa kay Violeta ay isang video ni Zacharias na nagbibigay ng mensahe sa kanya. “Ga, congratulations dahil pambihira ang nagawa mo diyan sa Showtime. Dito sa Leo Postigo, Zamboanga del Norte, naging popular ka.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ako rin, nakilala ng mga tao dito dahil sa popularity mo ngayon. Daghang salamat, I hope na magpatuloy ang iyong suwerte. Magaling ka naman talaga since our time together.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Wala na akong ibang masasabi kundi keep it up.” Hindi nagtapos dito ang surpresa ng It’s Showtime kay Violeta.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube



Noong Oktubre 1 ay may pinalabas na video bago kumanta sa entablado si Violeta. Madami ang naiyak nang mapanood ang video kung saan nagkita muli sila Violeta, Zacharias, at Jennifer pagkatapos ng 47 taon. Nagpasalamat si Zacharias at si Violeta sa noontime show na nagbigay daan para muli silang magkasama.