Netizens, naantig ang puso sa isang nanay na OFW na sinurpresa ang anak sa kanyang eskwelahan

Iba ang sakr!pisyo ng mga kababayang OFW para lamang maibigay sa kanilang pamilya ang kanilang pangangailan. Tinitiis nila ang malayo sa mga mahal sa buhay at kinakaya nila ang pagod para sa pamilya.

May ibang nakakatagpo ng mabait na employer ngunit may iba namang masakIap ang sinasapit sa kamay ng kanilang boss. Hindi lamang pagod ang ginugugol ng mga magigiting na OFW kundi pati lungkot. Isa sa mga magigiting natin na OFW ay ang ina na i-fineature ng isang YouTube video na pinost ni Maribeth Bartolaba.



Credit: Maribeth Bartolaba Youtube

Ang pamagat ng naturang video ay “OFW in hongkong surprise her kids at school”. Sa video ay makikitang sumilip ang inang OFW sa bintana ng classroom ng kanyang anak.

Credit: Maribeth Bartolaba Youtube

Nanggaling siya sa Hong Kong kung saan siya nagtatrabaho. Nang mapansin ng anak ang kanyang nanay ay agad-agad itong tumakbo palabas at niyakap ng mahigpit ang ina.

Credit: Maribeth Bartolaba Youtube



Kapansin-pansin kung gaano namiss ng bata ang kanyang ina. Iba rin ang kasiyahan na makikita sa mukha ng kanyang ina na halatang sabik na sabik na makita at makasama ang anak. Walang nilabas na detalye tungkol sa mga na-feature sa YouTube video.

Gayun pa man ay marami ang naantig ang damdamin sa napanood. Marami ang natuwa sa napanood na video at nagbahagi ng kanilang mga komento kung saan hinahangaan nila ang inang OFW. Ang iba naman ay umaasa na isang araw ay makasama na rin nila ang kanilang mahal sa buhay na matagal nang nawalay sa kanila.

“Grabe nakakaiyak yung video… ramdam talaga yung pagkamiss nila sa isat isa.” “Nakakatuwa naman yung bata sabik sa nanay nya.”

Credit: Maribeth Bartolaba Youtube

“Sana oil. Gusto ko na din makita papa ko na nasa saudi. bata pa ako nung huli ko sya nakita.”

“Miss ko na pamilya ko pero kayod pa din. kahit malungkot dito sa hong kong kinakaya ko para mabigay pangangailangan nila.”

Credit: Maribeth Bartolaba Youtube



“Nakakainggit. gusto ko na din makita mama ko at sana di na sya umalis ulit.”