Jason Francisco, inamin ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Melai Cantiveros at kung paano sila muli nagkabalikan

Wala nga namang perpektong relasyon. Kahit anong relasyon ay hindi mo maiiwasang magkaroon ng problema, hidwaan o tampuhan. Dahil na rin sa ating mga sariling kakulangan o kakulangan ng iba, iyan ang nagiging dahilan kung bakit nagkakalabuan ang mga magkasintahan o maging mga mag-asawa.

Credit: Melai Cantiveros-Francisco Instagram



Kahit mga kasal ng mga mag-asawa, hindi maiiwasan ang mga pagsubok. Mas lumalakas nga ang mga pagsubok pag mag-asawa pero kapag nalagpasan ay tumitibay nalang ang inyong mga relasyon.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Kagaya na lamang nina Jason Francisco at Melai Cantiveros. Hindi na nga naman tago ang kanilang kwento at napag-alaman na sila ay nagpahinga sa loob ng anim na buwan.

Pero, matapos nito ay nagkabalikan ang dalawa. Malinaw namang sinabi ni Jason na ang mga bata ang pangunahing dahilan.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Naging mas matatag lang din kami. E buti na lang din nandiyan ang mga bata kasi sila talaga ang nagdikit ulit sa amin. Yung mga bata, kung wala talaga yan ang dali na magdesisyon eh. Pag may mga bata sila talaga iisipin natin para maayos ulit lahat,” paliwanag ni Jason.

Sambit naman ni Melai,

“Naappreciate ko din naman si Jason kasi noong shakey na kami tumawag siya ng pastor at relationship coach.”

Credit: Melai Cantiveros-Francisco Instagram

“Pag nag-aaway kami dati talagang bulyawan. Ngayon naging open minded kami sa isa’t isa. Lagi namin sinasabi na ang goal natin dito magkaayos, hindi mas gumulo, ” kwento pa ni Melai.



Kaya naman, marami ang humanga ngayon sa kanila dahil sa kanilang tibay at tatag bilang mag asawa. Narito ang mga komento ng mga netizens.

“husband and wife ang kakulangan ng isa punuhin ng isa tana b at higit sa lahat nandon ang love sa familia tayo mahirap ang kayamanan natin ang familia amen”

Credit: Melai Cantiveros-Francisco Instagram

“Lahat ng tao ngkakamali ,pero sa bawat pagkakamali natin sana may napopolutan tayong aral at sana mabigyan yung ngkamali ng chance para maitama nya ang kanyang mga pgkakamali sa buhay.”

“kung wala love kahit meron anak iwan familia pero kung nandon pa ang love pilitin mabuo familia”



“Kung c babae ang merun tulungan c lalaki para kumita dn buildbusiness para hnd maging issue ang pera.kc naapakan ego lalaki yan eh iba mentalidad ng mga yan kesa sa babae.”