Maja Salvador, kitang kita ang saya ng relasyon niya sa kanyang gwapong non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuῆez

2016 nang nagbigay ng hint si Maja Salvador tungkol sa isang non-showbiz admirer na talagang bukod tangi sa lahat ng nanliligaw sa kanya. “Dine-date? Non-showbiz? Secret, paubaya na lang ninyo sa akin.” February ngayong taon nang magpost si Maja ng isang letrato ng bouquet ng bulaklak na natanggap niya noong Valentines day.

Credit: MAJA instagram



Sa bulaklak ay may nakalagay na note na “Thanks for being my Valentine again after 9 years.” Maraming fans ang na-intriga kung sino ang secret admirer ni Maja kaya naghanap sila ng mga ebidensya. Kalaunan ay lumakas ang espikulasyon na ang mystery guy na ito ay ang ex-boyfriend ni Maja na si Rambo Nuῆez.

Credit: MAJA instagram

Noong February 23 ay nagsimula na magpost si Maja sa kanyang Instagram account ng kanilang sweet pictures ni Rambo. Noong July 27 ay opisyal nang ipinakilala ni Maja si Rambo sa kanyang fans sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. Ang totoong pangalan ni Rambo ay Vittorio Jesus Ortega.

Credit: MAJA instagram

Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. Siya ay graduate ng AB-Consular and Diplomatic Affairs sa De La Salle-College of Saint Benilde. Dati siyang modelo pero ngayon ay mas kumportable na raw siyang nasa likod ng camera.



Credit: MAJA instagram

Siya ngayon ay presidente ng isang digital marketing agency na Pop Up Digital PH. Ang inspirasyon niya sa pagpasok sa mundo ng PR at events ay ang kanyang ina. Mahilig si Rambo magtravel kaya naman marami sa mga pinopost na letrato ni Maja ay nasa travel silang dalawa.

Credit: MAJA instagram

Ayon kay Rambo, kung hindi siya pumasok sa business ay gusto niyang maging isang professional basketball player. Si Maja at si Rambo ay unang nagkita sa isang concert ni Sarah Geronimo at umamin si Rambo na talagang na-attract siya kay Maja noong gabing iyon.

Credit: MAJA instagram



Nag-date sila noong 2010 ngunit hindi ito nagtagal dahil mas naging focus ni Maja ang kanyang career. Matapos ang siyam na taon ay nagkabalikan muli ang dalawa. May rule si Maja pagdating sa pakikipagrelasyon at yun ay ang hindi na makipagbalikan sa naging ex-boyfriend niya pero binale ito ni Maja dahil sa pagmamahal kay Rambo. “Minsan you br3ak your own rules, and I think it’s worth it.”