Batang 12-taong gulang, niregaluhan ang sarili ng sobrang mamahaling sasakyan mula sa kanyang pagiging sikat na make-up artist

Marami ang nangangarap na magkaroon ng sariling sasakyan kaya naman nagsisipag sa pagtatrabaho ng mga taong ito. Pero mamamangha ka sa isang labindalawang taong gulang na bata sa Thailand dahil sa kanyang murang edad ay nabilhan niya ang kanyang sarili ng bagong BMW. Ang pangalan ng batang ito ay si Natthanan.

Credit: @Nongpearpaplearn facebook



Si Natthanan ay sikat na makeup artist sa Thailand. Nakilala siya sa pamamagitan ng mga pinopost niya na makeup tutorials online. Patok ang mga online videos niya lalo na sa kanyang mga ka-edad.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram

Si Natthanan ay nahilig sa makeup noong tatlong taong gulang pa lamang siya. Sa edad na pitong taong gulang ay kumuha na siya ng mga courses para maging professional makeup artist.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram

Mas nakilala sa buong mundo si Natthanan nang siya ay mapabilang sa mga makeup artist sa sikat na London Fashion Week. Pili lamang ang naiimbitahan sa prestihiyosong event na ito. Dahil dito ay nafeature si siya ng BBC news.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram



Ngayong taon ay nagdiwang ng ika-labindalawang kaarawan si Natthanan.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram

Ipinagmalaki niya sa kanyang Instagram post ang bagong sasakyan na kanyang nabili galing sa kanyang sipag at tiyaga.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram

Hindi lamang basta-basta ang nabili niyang sasakyan dahil ang kanyang nabili ay isang BMW. Ang pinakamurang BMW ay hindi bababa sa P2 million.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram

Talaga namang deserve ni Natthanan kung ano man ang meron siya ngayon dahil ito ay kanyang pinaghirapan. Nawa ay magsilbing inspirasyon si Natthanan hindi lamang sa mga ka-edad niya kundi pati sa mga mas nakakatanda sa kanya na makakaalam ng kanyang istorya.

Credit: @Nongpearpaplearn instagram

English translation ng kanyang post:
🎉 HBD TO ME🎉 This year, Prae is 12 years old. Thank you for everything that made Prae today.
Thank you for following and encouraging Nong Prae all along. Love everyone very much.🤟🏻
Thank you for every blessing.🙏🏻 Wish that blessing back to everyone”



Credit: @Nongpearpaplearn instagram