Netizens, di naitago ang kilig nang magpakilala na si Tony Labrusca sa segment ng It’s Showtime na Kaparewho

Isa nga naman sa mga laging pinag-uusapang segment ng noon time show na It’s Showtime ay ang Kaparewho.

Marami na nga namang mga nabuong mga kwento at istorya dito ng pagkakaibigan at pagiibigan. Ang iba’y nauwi sa pagiging magkaibigan talaga. O kaya nama’y yumabong ang lahat sa kwento ng pagmamahalan.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Nagsimula ang segment na ito para sa mga edad 40 pataas. Ang mga biyudo o biyuda, mga dalaga at binata o kaya nama’y mga separada na. Matapos nito, ay pinalawak nila ang segment sa mga kabataan at ang iba’y mga mas matatanda talaga na mga senior citizen na sila para sa kanilang special segment.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Sa isang special segment para sa mga kabataan, nabigla ang lahat ng magtanggal ng mask si “Gymnast Sa’yo Na Ang Lahat”. Siya ang pinili ni Ria Ramirez.

Nang magtanggal na ng mask ay si hearthrob Tony Labrusca pala ito.



Marami ang nagulantang, kinilig at humiyaw sa kanilang nakita. Wow na wow sila nang makita nila ang kilig sa mukha at higpit ng yakap ni Tony at Ria. Narito ang mga komento ng kilig ng mga netizens:

Sabi kona kanina c Tony yon lalaki. Pagsasalita palang alam kona ba sya super Pogi at cute nya. Ang sweet pa Kahit Sino babae makuha nya Kahit sa Pagsasalita Lang. Super sweet kilig much. ?????

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ang ganda kasi naman talaga ng girl din eh tapos ang ganda ng boses pagnagsalita Laude ba naman at UP Diliman kaloka kinilig ako kanina sa Show time tapos ang yakap ni Tony Labrusca ang higpit yahoooooo….lakas maka  tong team na ‘to eh.

yung kilig ko kanina. halos magulat anak ko sakin. tapos muntik ko nghamapasin ng unan kaka kilig. heheheh sweet pogi talaga tong si tony labrusca

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Sabeee kooo naaa ngaaa baaaa eh haha although di ko natuloy yung segment na yan nabosesan ko na parang siya eh nakuuuu ????



Sa porma palang at pananalita niya duda kona si Tony …diko Kasi alam na nag Gymnastics haha saya nila panuurin …at pariho pa siyang pinili ng dalawang girls….